DENR kinastigo sa Senado sa sinabing kahit taniman ng mga puno ang Marikina watershed ay may pagbaha pa rin

Screenshot mula sa GMA video
  • Dismayado ang mga senador sa tinuran ng DENR official hinggil sa Marikina Watershed
  • Sinabi ni Usec. Cuna na kahit itigil ang lahat ng urban development, quarrying at taniman ng mga puno ang watershed ay hindi pa rin nito kayang ma-absorb ang tubig ng bagyong Ulysses
  • Hindi nagustuhan ni Sen. Villar ang pahayag dahil hindi raw dapat nanggagaling ang ganito mula sa DENR na ang mandato ay protektahan ang kapaligiran at natural resources

Sermon ang inabot ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) mula sa mga senador matapos sabihin na hindi malulutas ng reforestation ng Marikina Watershed at ng mga kampanya laban sa illegal logging at quarrying ang mga pagbaha sa mga mabababang lugar sa Metro Manila.

Screenshot mula sa virtual hearing ng Senate Committee on Environment, Natural Resources and Climate Change

Napataas ang kilay ni Senator Cynthia Villar sa tinuran ni DENR undersecretary Juan Miguel Cuna dahil tila kinukunsinti ng ahensya ang mga illegal activities na sumisira sa Marikina Watershed.

Sa virtual hearing ng Senate Committee on Environment, Natural Resources and Climate Change noong Martes, December 8, sinabi ni Usec. Cuna sa kanyang presentation na kahit itigil ang lahat ng urban development at quarrying, at taninam ng 10-year-old trees ang Marikina watershed ay hindi pa rin nito kakayaning ma-absorb ang lahat ng tubig na dala ng bagyong Ulysses.

Hindi ito nagustuhan ng senadora dahil ang ganoong pahayag ay hindi raw dapat sa DENR nanggagaling na ang mandato ay protektahan ang kapaligiran at natural resources.

“You mean that even we protect the Marikina watershed, it will not absorb the water, no matter how much effort we do in the Marikina Watershed? I cannot understand that. That would make all our efforts in the protected area useless, ‘di ba (wouldn’t it)? With that statement, which should not come from the DENR,” sabi ni Sen. Villar na chairman ng Senate committee.

Screenshot mula sa virtual hearing ng Senate Committee on Environment, Natural Resources and Climate Change

“Na-shock ako sa inyong department kasi parang sinasabi niyo, pabayaan na lang kasi hindi kaya ‘pag parang Typhoon Ulysses,” ayon pa sa senadora.

Maging ang mga senadorang sina Risa Hontiveros at Imee Marcos ay nadismaya sa narinig mula sa DENR.

“I could not believe it also. It would seem to be an argument setting up to fail doon sa pagprotekta ng watershed,” sabad ni Sen. Hontiveros.

“Medyo hinimatay tayo na ang DENR, surrender na,” pakli naman ni Sen. Marcos.

Screenshot mula sa virtual hearing ng Senate Committee on Environment, Natural Resources and Climate Change

Matapos sabihin ng DENR na maraming kumpanya ang hindi sumusunod sa mga anti-logging, quarrying at mining laws, hiniling ni Sen. Marcos sa DENR na paigtingin ang enforcement ng mga batas laban sa mga ito dahil nakakalbo na ang bundok ng Sierra Madre.

Source :

YouTube, ABS-CBN

Loading…