DILG nabigo sa target na zero injury sa paputok ngayong 2020

Imahe mula sa Davao Today
  • Hindi nagtagumpay ang DILG sa target nitong zero firecracker-related incident ngayong 2020
  • Ipinahayag ni DILG Spokesperson Jonathan Malaya na may ilan nang naitalang insidente sa mga probinsya
  • Nagbigay ang DOH ng pitong patok na alternatibo sa paputok para sa pagsalubong sa Bagong Taon

Nabigo ang Department of Interior and Local Government (DILG) na makamit ang target nito na walang masasaktan mula sa paputok ngayong taong 2020.

Imahe mula sa Radyo Pilipinas

Matatandaang isang linggo bago sumapit ang Pasko ay inatasan ng DILG ang Philippine National Police na kumpiskahin ang mga iligal na paputok at damputin ang mga lumalabag dito. Wika ni DILG Secretary Eduardo Año, target nilang makamit ang zero casualty at zero firecracker-related injury sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Subalit, isang linggo bago dumating ang Bagong Taon na karaniwang sinasalubong ng pag-iingay ay may ilan nang naitalang nasaktan mula sa mga paputok. Karamihan umano sa mga ito ay sa probinsya nangyari, ayon kay DILG Spokesperson Undersecretary Jonathan Malaya.

“Ang target po natin ay magkaroon tayo ng zero firecracker incidents. Ngunit meron na po tayong ilan na naitala as of today konti pa lang naman po ito at karamihan nasa probinsya,” ani Usec. Malaya.

“Konti lamang ang numero. Generally peaceful ang ating pagsalubong ng bagong taon wala tayong masyadong naging problema. Our target is really zero firecracker incidents. So, sana tumulong po tayong lahat at  sana ‘wag gumamit ng illegal na fireworks,” panawagan ng opisyal.

Imahe mula sa PCOO

Hinihikayat naman ni Department of Health (DOH)  Secretary Francisco Duque III ang mga magulang na bantayan ang kanilang mga anak sa paggamit ng mga ipinagbabawal na firecrackers upang mailayo sila sa disgrasya.

Nagbigay ang DOH ng pitong patok na alternatibo sa paputok sa pagsalubong sa Bagong Taon – pagpalo ng tambol, pagbusina, pagpailaw ng glow sticks, pagpukpok ng kaldero, pag-alog ng alkansya, pagpapatugtog nang malakas at pagkumpas ng tambourine.

Imahe mula sa DOH

Loading…