Direk Erik Matti gagawa ng isang episode sa Season 2 ng “Folklore” Asia horror anthology series ng HBO

Imahe mula sa HBO Asia
  • Pinoy movie director Erik Matti, isa sa mga Asian directors na gagawa ng episode sa Season 2 ng “Folklore” Asian horror anthology ng HBO
  • Ito ang unang pagkakataon na maitatampok ang Pilipinas sa Asia horror anthology
  • Hindi na bago sa paggawa ng katatakutang pelikula si Direk Erik Matti

Inanunsyo ng WarnerMedia, ang may-ari ng Home Box Office (HBO) pay television network, na magkakaroon ng Season 2 ang matagumpay na “Folklore” Asia horror anthology.

Screenshot mula sa Folklore Season 1

Ang first season ng Folklore ay may anim na episodes, samantalang ang Season 2 ay pito. Ang bawat episodes ay gagawin sa iba’t ibang bansa kabilang ang Thailand, Indonesia, Japan, Malaysia, Philippines, Singapore, at Taiwan.

Bawat episode ay ida-direct ng isang local director, ayon sa WarnerMedia. Si Direk Erik Matti ang gagawa ng episode sa Pilipinas. Ito ang unang pagkakataon na maitampok ang bansa sa naturang horror anthology.

Kasama ni Matti sa paggawa ng Folklore 2 ang mga Asian directors na sina  Sittisiri Mongkolsiri ng Thailand, Shih-Han Liao ng Taiawan, Billy Christian ng Indonesia, Nicole Midori Woodford ng Singapore, Bradley Liew ng Malaysia at si Seiko Matsuda ng Japan na isa ring pop singer-songwriter.

Imahe mula sa HBO Asia

“The horror genre has always worked well in Asia. Following the success of the first season of Folklore, WarnerMedia has green lit the second season of the award-winning series, expanding the anthology series to more Asian countries,” said Magdalene Ew, Head of Entertainment, WarnerMedia India, Southeast Asia and Korea.

“Folklore Season 2 will feature a mix of established and up-and-coming auteurs, each with distinct sensibilities, including two female directors from the region,” ayon pa kay Ew.

Hindi na bago sa paggawa ng katatakutang pelikula si Direk Matti. Kabilang sa mga obra niyang Pinoy horror movies ang Seklusyon, Kuwaresma, Tiktik: The Aswang Chronicles at ang sequel nitong Kubot: The Aswang Chrionicles 2.

Imahe mula sa HBO Asia

Loading…