DITO sisingilin sa pangakong 27 Mbps internet speed; prangkisa ipinagpaliban muna ng Senado

Imahe mula sa Noypigeeks
  • Ipinagpaliban muna ng Senado ang renewal ng prangkisa ng DITO
  • Kailangang tuparin muna ng DITO ang kanilang ipinangakong internet speed sa susunod na taon
  • Malayo pa naman daw ang 2023 kaya may panahon para patunayan nila nag kanilang kakayahan bilang telco

Ipinagpaliban muna ng Senado ang pag-apruba sa prangkisa ng DITO Telecommunity hangga’t hindi umano nito natutupad ang ipinangakong internet speed kapag nag-operate na sila sa susunod.

Ayon kay Senador Grace Poe, chairman ng Senate committee on public services,  hindi nila pinag-iinitan ang DITO bagkus ay nais lamang nilang maging ‘transparent’ at patas para sa lahat ng telcos na nag-aapply ng pranngkisa.

Kailangan umano nilang siguruhin na matutupad ng kumpanya ang kanilang pangako para sa kapakanan ng publiko.

Imahe mula sa Facebook ni Sen. Grace Poe

Sa kasalukuyan, hawak ng DITO ang congressional franchise na ibinigay sa Mindanao Islamic Telephone Co. (Mislatel) noong 1998 at nakatakda itong mapaso sa 2023.

Ang DITO (dating Mislatel) ay consortium ng Udenna Corporation at Chelsea Logistics Corporation na kapwa pag-aari ng negosyanteng si Dennis Uy, at ng China Telecommunications Corporation.

Giit ni Poe, malayo pa naman ang 2023 at kailangan munang patunayan ng DITO na kaya nitong tuparin ang kanilang pangakong internet speed na 27 mbps para 37 porsiyento o mga 7,425 barangays sa bansa sa unang taon ng kanilang serbisyo.

“If they have it by January, that would be a good indication that they’re franchise will be approved. They have until 2023 . Hopefully, that should be enough even to their investors to know that they have the capability,” wika ni Poe.

Imahe mula sa DITO Telecommunity

Nagpahayg kasi ng pangamba si DITO chief administrative officer Adel Tamano na maaaring mahirapan silang makakuha ng loan at investments kapag hindi kaagad na-renew ang kanilang prangkisa.

Subalit kinontra nito ni Poe at sinabing dapat daw ay na-anticipate na kaagad ng kompanya nag kanilang gagastusin.

“When DITO applied for this franchise, they should have had the forecast of what they were going to spend,” anang mambabatas.

Wika pa ni Senador Grace Poe, kailangang ipakita muna ng DITO na kaya nitong tuparin ang kanilang ‘initial commitment’ at saka pa lamang sila mabibigyan ng renewal na panibagong 25 na taon.

Loading…