Doctor-vlogger may payo upang makasiguro sa skin care

  • May paalala ang isang doctor-vlogger
  • Mahalaga pa rin daw ang pagkonsulta sa isang dermatologist kaugnay sa skin care routines
  • Huwag daw masyadong maniwala sa mga “sabi-sabi” ni kumare

Mahalagang alagaan ang mukha dahil ito ang unang tinitingnan ng mga tao. Kaya naman, hindi masamang magkaroon ng extra efforts sa pangangalaga rito. Magmula sa simpleng paglalagay at pagpapahid ng kung ano-anong cream, pampaputi, o toner hanggang sa pagpapa-facial, ay talagang ginagawa ng mga metikuloso/a pagdating sa skin care.

May paalala naman ang sikat na doctor-vlogger na si “Dr. Kilimanguru” para sa pagsasagawa ng skin care. Aniya, mas mainam pa rin daw ang pagkonsulta sa mga espesyalista gaya ng dermatologist upang matiyak na maayos at maganda ang kalalabasan ng paggamit ng isang partikular na skin care product.

Public Domain Image

“Stop investing in random skin care products suggested by your kumare. Invest in a dermatologist and you will get results,” saad ng kaniyang Facebook post.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“This is me before,  kung ano-anong ginagamit na advice ng iba para sa acne, mas nag-worst siya, then one day I tried to visit to a dermatologist and after that mas naging maayos ang skin ko unlike before until now, so better consult a derma first before applying anything to your face,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Hahahaha yup I agree, but I do understand that some people are not capable of going to the dermatologist, although they have to make sure that the product that they are using are match to their skin types.”

“Depende rin siguro?  May mga kakilala ako na wala naman pagkonsulta sa mga dermatologist, they just tried a certain product, okay naman. Makikinis naman sila and happy sa skin nila. Pero tama naman, hindi lahat pareho ng skin type. Hindi porke’t okay sa isa eh okay na rin sa lahat,” pahayag naman ng isa.

Wika naman ng isa, “This is so true, Doc. Mas malaki pa ang ginastos ko kakahanap ng skin care products na hiyang sa break outs ko. Then, I consulted a dermatologist and my acnes are now healing.”

Public Domain Image

Maraming nakasanayan na makaluma at modernong paraan ng pagpapakinis ng balat ang mga Pilipino. Wala naman masama kung hiyang sa skin care products na nakasanayan nang gamitin. Subalit kung wala namang nangyayari at bagkus ay lumalala pa, maaari nang magpakonsulta sa dermatologist upang malunasan ito.

Source :

Facebook

Loading…