DOH sisilipin ang ‘di awtorisadong pagpapabakuna ng mga sundalo; AFP naglabas ng pahayag

Imahe mula sa Fierce Pharma
  • Sisilipin ng DOH ang lumabas na ulat tungkol sa pagpapabakuna ng maraming kasundaluhan
  • Si Pangulong Duterte mismo ang umamin na nabakunahan na ng Sinopharm vaccine ang maraming Pilipino kabilang na ang ilang sundalo
  • Naglabas naman ng pahayag ang AFP tungkol dito

Iimbestigahan ng Department of Health (DOH) ang napaulat na pagpapabakuna diumano ng ilang personnel ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Inamin mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Sabado na marami nang Pilipino kabilang na ang maraming sundalo na nabakunahan na ng Sinopharm vaccine na hindi pa aprubado ng FDA.

File photo| Imahe mula sa AFP-Facebook

“Sabihin ko sa iyo, marami na ang nagpa-injection dito sa Sinopharm… Halos lahat ng sundalo natusukan na,” wika ni Duterte sa pulong ng kaniyang Gabinete sa Malakanyang.

Dahil dito, sinabi ni Undersecretary Maria Rosario Vergeire na sisilipin nila ang ibinulgar ng presidente kung mayroong katotohanan.

“We still do not have that information. We would be trying to get the information available para makita po natin ‘yan,” ani Vergeires a panayam ng GMA News.

Iginiit din ng opisyal na wala pang aprubadong bakuna ang FDA dahil hinihintay pa rin nila nga ang applications ng vaccine manufacturer para magamit ito sa bansa.

Kaugnay nito, naglabas naman ng pahayag ang AFP at nilinaw na wala silang ‘sanctioned vaccination’ kontra COVID-19 sa lahat ng military personnel.

Imahe mula sa Nikkei Asia

“The AFP is not aware of COVID-19 inoculation made to military personnel. We do not have an AFP Leadership-sanctioned vaccination. We are getting details,” ayon sa AFP nitong Lunes.

“But we sure heard about as we are thankful to the President when he declared that he will include soldiers in the vaccination priority being front-liners in the fight against the Pandemic,” dagdag pa ng pahayag.

Tiniyak din ng AFP ang kanilang patuloy na suporta sa Pangulo at sa mga ahensiya ng gobyerno na sangkot sa pamamahagi ng bakuna lalo na sa mga mamamayang walang kakayahang bumili nito.

Loading…