DOH tutol din sa pagpasok at pamamasyal ng mga bata sa malls

Imahe mula sa NST
  • ‘Di rin pabor ang DOH sa rekomendasyon na payagan na sa malls ang mga bata
  • Lubha pa raw itong mapanganib sa kasalukuyan, ayon kay Sec. Duque
  • Wala pa ring desisyon ang mga Metro Manila mayors tungkol sa usaping ito

Hindi rin sang-ayon ang Department of Health (DOH) na payagan nang makapasok at mamasyal sa mga malls ang bata na 14 anyos pababa dahil lubhang mapanganib pa umano ito sa kasalukuyan.

Ganito ang naging reaksiyon ni Health Secretary Francisco Duque III sa rekomendasyon ng Department of Interior and Local Government (DILG) at Department of Trade and Industry (DTI) na kapwa nagsabing isa itong hakbang upang mapasiglang muli ang ekonomiya ng bansa lalo na ngayong Kapaskuhan.

Screenshot mula sa RTVM video

“Ang posisyon namin, hindi po nagbabago. We discourage that kasi meron pa ring risk,” paliwanag ni Duque.

“Sa siyam na buwan na karanasan natin sa COVID-19, three to five percent po ng total infected cases natin ay sa mga bata nangyari. Hindi po sila exempted sa hawaan,” wika pa ng kalihim.

Ayon pa kay Duque, hindi nila ipinagbabawal ang holiday celebration subalit nais lamang nilang limitahan muna ito sa immediate family members at hindi na muna kasali ang mga kamag-anak na galing sa ibang lugar.

Base daw kasi sa  datos ng DOH, ang mas higit na nakakahawa ay iyong mga walang sintomas o mga asymptomatic.

Imahe mula sa SME Magazine

Samantala, hanggang nitong Martes ay wala pa rin umanong desisyon ang mga Metro Manila mayors tungkol sa usaping ito ayon kay Interior Secretary Eduardo Año.

“If the Metro Manila mayors are able to come up with a common proposal allowing minors or children in malls and other public places, the final decision will still be with the IATF and ultimately, the President,” giit ni Año.

Samakatuwid, wika pa ng kalihim, mananatili pa rin ang umiiral na guidelines ng IATF na edad 18 hanggang 65 anyos lamang ang maaaring makalabas ng bahay sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine o GCQ.

Loading…