Dokumento ng COVID-19 vaccine ng Pfizer/BioNTech ninakaw ng hackers

Imahe mula sa DW
  • Pinasok ng hackers ang server ng EMA na kung saan nakatago ang data ng Pfizer/BioNTech vaccine
  • Hindi pa naglalabas ng karagdagang detalye ang EMA tungkol sa insidente
  • Tiniyak naman ng EMA na iniimbestigahan na nila ang nasabing data breach

Ninakaw umano ng hackers ang mga dokumentong may kaugnayan sa pag-develop ng bakuna kontra COVID-19 ng Pfizer/BioNTech sa isang cyberattack kamakailan.

Ang mga nasabing dokumento ay kasalukuyang hawak ng  European Medicines Agency (EMA), ang ahensiyang responsable sa pag-aaral at pag-aapruba ng mga gamot at bakuna para sa mga bansang kasapi ng European Union (EU)).

Pinasok daw ng hackers ang server ng EMA at kinuha rito ang data ng COVID-19 vaccine na kasalukuyang nire-review ng ahensiya.

Imahe mula sa The Local Italy

Hindi naman nagbigay pa ng karagdagang detalye ang EMA kung kailan ito nangyari at kung sino ang posibleng may kinalaman sa data breach ng kanilang server maliban sa pagsasabing iniimbestigahan na ito sa pakikipag-ugnayan sa mga may kapangyarihan.

Sa isang pahayag sa kanilang website, kinumpirma ng BioNTech ang insidente.

“Today, we were informed that the agency has been subject to a cyber-attack and that some documents relating to the regulatory submission for Pfizer and BioNTech’s Covid-19 vaccine candidate, BNT162b2, which has been stored on an EMA server, had been unlawfully accessed,” ayon sa BioNTech.

“EMA has assured us that the cyber-attack will have no impact on the timeline for its review,” dagdag pa ng pahayag.

Imahe mula sa Fierce Pharma

Tiniyak din ng EMA na hindi na-compromise ang systems ng Pfizer o ng BioNTech, o maging ang personal information ng mga taong sumali sa clinical trials ng bakuna.

Ang Pfizer ay isang US drugmaker habang ang BioNTech ay ang German partner nito sa pag-develop ng COVID-19 vaccine. Ang kanilang bakuna ay isa sa nangungunang gamot sa gitna ng mahigpit na competition sa pagitan ng mga malalaking pharmaceutical companies sa buong mundo.

Ito rin ang ginagamit ngayon sa United Kingdom na nagsimula nang turukan ang kanilang mamamayan nitong Martes lamang.

Loading…