DOLE naghinay-hinay sa deployment ng nurses sa UK at Germany

Imahe mula sa Asia Media
  • Naghinay-hinay muna ang DOLE sa pagpapadala ng mga nurses sa UK at Germany
  • Ito ay dahil sa banta ng new COVID-19 strain na sinasabing mas malakas makahawa
  • Nilinaw ni DOLE Sec. Bello na nagdahan-dahan lang at hindi suspendido ang deployment ng healthcare workers sa ibang bansa

Naghinay-hinay muna ang pamahalaan sa pagpapadala ng mga Filipino nurses sa Europe, partikular na sa Germany at United Kingdom (UK) dahil sa banta ng bagong strain ng coronavirus na pinaniniwalaang mas malakas makahawa.

Imahe mula sa PRI

Sinabi ni Department of Labor and Employment Secretary Silvestre Bello III na imbes na suspendihin ang deployment nagdesiyon sila na magdahan-dahan na lang sa pagpapadala ng healthcare workers sa mga bansang nabanggit.

“In the UK, it’s risky at this time, and also in Germany. We are not suspending (deployment), we’re just slowing it down,” wika ni Sec. Bello.

Ayon pa sa kalihim, kung sakali naman na payagan ng DOLE ang pagpapadala ng mga healthcare workers sa mga bansang may banta ng COVID-19, papipirmahin nila ang mga ito ng isang waiver na nagsasaad na alam nila ang nakaambang panganib sa kanilang patutunguhan.

“We make sure that before they will be deployed, they have to sign a waiver, acknowledging that they know what they are getting into, the risks in the country where they are going and they will not blame us. It has to be a waiver,” ani Sec. Bello.

Imahe mula sa DOLE

Matatandaang kailan lang inalis ng DOLE ang temporary deployment ban sa mga healthcare workers.

Biyaheng ‘Pinas mula UK suspendido na mula Disyembre 24 dahil sa bagong COVID strain

Samantala, pansamantalang sinuspinde ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga flights patungo at galing sa UK dahil sa new covid-19 strain na nadiskubre doon.

Noong Martes, December 22,  ay nilagdaan ng Pangulo ang kautusan para pansamantalang itigil ang lahat ng flights mula at patungo sa UK. Ang suspensyon ay nagsisimula noong December 24 at tatagal hanggang katapusan ng taong 2020.

Imahe mula sa Twitter

Loading…