Doug Kramer niregaluhan ng brand new car si Chesca bilang pasasalamat sa kaniyang pasensya

Imahe mula sa Instagram | Doug Kramer
  • Isang bagong sasakyan ang regalo ni Doug Kramer para sa asawang si Chesca Garcia-Kramer
  • Ito raw ay bilang pasasalamat sa tiwala ni Chesca nang pumayag itong ibenta ang kaniyang sasakyan upang may pang-down payment sila sa bahay noon
  • Sa isang lumang vlog ay naging bukas ang dalawa sa pagbabahagi na nakaranas sila ng problema sa pera noong nagsisimula pa lamang bumuo ng pamilya

Espesyal ang naging regalo ng retired Philippine Basketball Association (PBA) player na si Doug Kramer para sa kaniyang asawa na si Chesca Garcia-Kramer ngayong Pasko.

Imahe mula sa Instagram | Doug Kramer

Pagbabalik-tanaw ni Doug, noong mga panahon na nangangailangan sila ng pera ay hindi nagdalawang-isip si Chesca na ibenta ang kaniyang paboritong sasakyan. Bilang pasasalamat sa kaniyang tiwala at pasensya ay ibinili niya ng bagong sasakyan ang asawa.

“I know there are more important matters to you. But there are some things I don’t forget. I still remember the day we had to sell your favorite car to meet our needs. We never fought about money, you never complained either,” sabi niya sa isang Instagram post.

Ibinahagi noon ng mag-asawa sa isang vlog ang mga pinagdaanan nila noong bago pa lamang silang mag-asawa. Tinanong sila ng panganay na anak na si Kendra kung bakit palipat-lipat sila ng bahay noon. Paliwanag ni Doug, ito ay dahil lumalaki na ang kanilang pamilya.

Imahe mula sa Instagram | Doug Kramer

Naranasan nila noon na mangupahan hanggang sa naglakas-loob silang bumili ng bahay. Noon daw ay baon sila sa utang sa bangko, mga kaibigan, at maging kanilang kapamilya. “That’s how much we really started from scratch but God provided. We were able to make good investments and we ended up paying everything in three years,” sabi ni Doug.

Nang ibenta ni Doug ang sasakyan ni Chesca ay nangako siyang babawi siya rito. “I sold this woman’s car to help me with the down payment so I said, one day I will repay her patience,” aniya.

Dahil sa kanilang mga karanasan ay maraming aral ang natutunan nila tungkol sa paghawak ng pera. “There are really times when we had to avoid buying what we want so we can spend for what we need.”

Loading…