Duque sa ‘di natuloy na Pfizer vaccine deal: “There is no such a thing as ‘dropping of the ball”

Imahe mula sa UNTV News
  • Nilinaw ni Duque na walang ‘dropping the ball’ na nangyari sa Pfizer deal
  • Nauna nang sinabi ni Ambassador Romualdez na isang taga-DOH ang tinutukoy sa tweet ni Sec. Locsin
  • Inamin naman ni Sen. Lacson na isang Cabinet official ito, at ‘captain ball’ pa raw

Nilinaw ni Health Secretary Francisco Duque na walang nangyaring ‘dropping the ball’ sa naunsyaming negosasyon sa pagitan ng Pilipinas at Pfizer upang makabili ng COVID-19 vaccine.

Ginawa ni Duque ang klaripikasyon matapos isiwalat ni Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin Jr., sa Twitter na mayroong isang opisyal na sumablay kaya hindi natuloy ang deal.

Screenshot mula sa Twitter

“That said my thanks just the same to US Sec of State Mike Pompeo we—Babe Romualdez and I—got 10 million doses of Pfizer financed by World Bank and ADB to be shipped thru FEDEX to Clark in January,” bahagi ni Locsin sa kaniyang tweet.

Bagama’t hindi ito pinangalanan ni Locsin, nabanggit naman ni Ambassador Romualdez sa text message sa CNN Philippines na taga-DOH ang tinutukoy ng kalihim sa kaniyang tweet.

No dropping the ball

Subalit iginiit ni Duque nitong Miyerkules na tuloy pa rin naman ang pagbili ng ‘Pinas ng bakuna sa Pfizer.

“There is no such a thing as ‘dropping of the ball,’ if you look into the statement, the negotiations are ongoing…. And now our vaccine czar, has also signed a confidentiality disclosure agreement with Pfizer last November,” paliwanag ni Duque sa ginanap na press briefing.

Screenshot mula sa PCOO video

Dagdag pa ni Duque, personal niyang nilagdaan ang confidentiality disclosure agreement (CDA) matapos ang pabalik-balik na pagkonsulta sa iba’t-ibang ahensiya upang matiyak na hindi agrabyado ang gobyerno sa nabanggit na deal.

“Tuloy-tuloy po ito at ang DOH went to the process of iteration. Pabalik-balik na tinitingnan ang mga conditionalities na nakapaloob po sa CDA,” paliwanag ni Duque.

“He’s the captain ball”

Samantala, isiniwalat rin ni Lacson na isang Cabinet official ang pumalpak na tinutukoy ni Locsin.

“He’s the captain ball. He keeps dropping the ball but he stays in the game. The coach refuses to replace him. The wonder of wonders!” bahagi umano ng text message ni Lacson sa Inquirer.

Screenshot mula sa ABS-CBN video

Sa virtual hearing naman ng Commission on Appointments (CA) nitong Miyerkules na kapwa dinaluhan nina Locsin at Lacson, binanggit din ng huli sa kanilang pag-uusap na hindi na kailangang sabihin ng DFA secretary ang pangalan ng tinutukoy na Cabinet official dahil nalaman na niya umano ito mula sa text message ni Romualdez sa kaniya.

Loading…