Duterte binalaang sisibakin ang TRB sa RFID mess; naging aksiyon ni Mayor Gatchalian suportado

Screenshot mula sa RTVM Facebook video
  • Kinalampag ni Pangulong Duterte ang TRB dahil sa ‘kapalpakan’ nito sa RFID mess
  • Sisibakin niya umano ang mga ito kapag ‘di naayos ang problema
  • Suportado naman ng Pangulo ang ginawang hakbang ni Mayor Gatchalian

Kinalampag ni Pangulong Rodirgo Duterte ang Toll Regulatory Board (TRB) dahil sa ‘kapalpakan’ umano nito sa pagpapatupad ng cashless toll system na nagresulta sa katakot-takot na problema sa trapiko noong mga nagdaang linggo.

Sa kaniyang public address nitong Miyerkules nang gabi, tinawag ni Duterte na ‘incompetent’ ang mga taga-TRB dahil nabigo itong pag-aralan muna ang sistema bago ipinatupad.

Screenshot mula sa RTVM Facebook video

“Mayroon tayong regulator. That’s the purpose of having a regulatory board ‘yung toll. Ang problema ang regulator is another set of incompetent people, they should not have allowed a system right now to put into use without a trial for about 1 week and anticipate what could be the problem,” wika ng Pangulo.

Binalaan din ng presidente ang TRB officials na ayusin ang problema at kung hindi magawa ay magbitiw na lamang ang mga ito sa puwesto dahil kung hindi ay sisibakin niya umano sila.

“If you cannot perform what is expected of you, then the best that you can do for decency sake, resign, and do not wait to be fired because masakit iyan, mapahiya ka,” babala ni Duterte.

Imahe mula sa Wikipedia

“‘Yung failure n’yo would reflect on us. Kami ang nag…kasi alam naming may system but it was not tried,” dagdag pa nito.

Samantala, naiintindihan niya naman umano ang ginawang aksiyon ni Valenzuela Mayor Rex Gatchalian tulad ng pagsuspinde sa business permit ng toll operator na NLEX Corporation.

“Nandoon siyang mayor, galit na galit and I understand this with all the conundrum pati ako magagalit talaga. I understand this burst of anger, which is justified para matauhan,” ani Duterte.

Kahit siya raw ay gusto nang puntahan ang lugar subalit nagpigil lamang siya bilang respeto sa alkalde.

Imahe mula sa Facebook- Mayor REx Gatchalian

Nasa kamay ng local government umano kasi ang kontrol pagdating sa trapik at talagang ginagamit raw ng isang mayor ang business permit upang puwersahing mag-comply ang isang negosyo kapag may paglabag ito sa batas.

Humingi naman ng paumanhin si Transportation Secretary Arthur Tugade sa Valenzuela City at sa mga apektadong motorista.

Ani Tugade, anumang ‘incovenience’ na idinulot ng aberya sa RFID sa karamihan ay hindi sinadya.

Loading…