EDSA magiging pedestrian-friendly na, konstruksyon ng elevated walkways sisimulan na sa 2021

Imahe mula sa ADB
  • Masisimulan na sa susunod na taon ang pagtatayo ng mga elevated walkways sa kahabaan ng EDSA
  • Inaprubahan na ng ADB ang halos P6 billion loan para sa EDSA Greenways project
  • Layon ng elevated walkways na mahikayat ang publiko na gumamit ng public mass transportation sa halip na magmaneho ng private cars para makatulong na mabawasan ang carbon emission

Hindi maglalaon ay magiging pedestrian-friendly na ang kahabaan ng EDSA, ang pangunahing lansangan ng Metro Manila, matapos aprubahan ng Asian Development Bank (ADB) ang halos anim na bilyong pisong loan sa pamahalaan para sa konstruksyon ng mga elevated walkways.

Imahe mula sa ADB

Ayon sa ADB, ang proyekto na tinatawag na EDSA Greenways Project ay naglalayong makapagpatayo ng mga elevated walkways sa apat na lugar sa EDSA – sa Balintawak, Cubao, Guadalupe at Taft Avenue – na may kabuuang haba na limang kilometro.

Ang mga covered walkways na itatayo ay ikokonekta sa mga istasyon ng mass transit sa apat na nabanggit na lugar sa kahabaan ng EDSA upang mahikayat ang publiko na gumamit ng public transportation sa halip na magmaneho ng pribadong sasakyan. Makatutulong umano ito upang mabawasan ang carbon emission.

Ipinagmamalaki ng ADB na ang mga elevated walkways ay magiging ligtas para sa mga pedestrians dahil ito ay covered, maliwanag dahil lalagyan ng maraming ilaw, may mga surveilance cameras at may elevator para maging accessible sa mga matatanda, mga may kapansanan, mga buntis at mga may kasamang maliliit na bata.

Imahe mula sa ADB

“The EDSA Greenways Project is an integral part of the government’s transport strategy to make Metro Manila a better place to live, work, and visit. This project is an important part of our contribution to helping make that vision a reality for Filipinos,” pahayag ni Hiroaki Yamaguchi, ang director ng ADB Southeast Asia Transport and Communications.

Napakaliit lang daw ng magiging epekto ng konstrukyon ng elevated walkways sa daloy ng trapiko sa EDSA.

Imahe mula sa ADB

Sa isang pahayag, sinabi ng Department of Transportation na inasahang partially operational na ang elevated walkways sa December 2021. Ang full operation ng Balintawak at Guadalupe walkways ay inaasahan sa 3rd quarter ng 2022 at sa 1st quarter ng 2023 naman ang walkways na itatayo sa Cubao at Taft.

Loading…