EEI Corp., subcontractors pinagmulta ng DOLE sa nangyaring Skyway accident

Imahe mula sa Facebook/ DumagueteNews
  • Pinatawan ng multa ng DOLE ang contractor at subcontractors ng Skyway Extension project dahil sa nangyaring aksidente
  • Umabot sa P380,000 ang administrative fine ng tatlong kumpanya
  • Posible pa umanong lumaki ito kapag hindi kaagad nabayaran ang multa

Pinagbabayad ng multa ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang contractor ng Skyway Extension project na EEI Corporation pati mga subcontractors nito dahil sa nangyaring aksidente sa Skyway kung saan nagbuwis ng buhay ng isa katao habang sugatan naman ang apat pa.

Noong nakaraang linggo ay ipinatigil ng DOLE ang lahat ng trabaho sa naturang project habang iniimbestigahan ang insidente upang malaman kung sino ang dapat papanagutin dito.

Skyway Extension project| Imahe mula sa Business Mirror

Base sa order na pirmado ni DOLE-NCR Regional Director Sarah Buena Mirasol, inatasan nito ang EEI at mga subcontractors na Mayon Machinery Rentrade Inc. at Bauer Foundations Philippines Inc. “to pay, jointly and severally, the administrative fine in the amount of P170,000 for every day of non-compliance from the receipt of this order until the violations are fully rectified.”

BASAHIN: DOLE pansamantalang ipinahinto na ang trabaho sa Skyway matapos ang aksidente

Kabilang din sa order ang pagsubmit ng EEI ng ‘reportorial requirements’ na nasasaad sa Occupational Safety and Health Standards na may kalakip na multang P30,000 kada araw hangga’t hindi pa naisusumite.

Bukod dito, pinagmumulta rin ang EEI ng halagang P100,000 para sa “death, serious injury or serious illness” at kailangang mag-submit ito ng ‘third party inspection certificate’. Ang huli ay may kalakip na multang P40,000 kada araw hanggang sa maibigay ang hinihinging certificate.

Imahe mula a MCDDRM

Samantala, ang Mayon Machinery ay pinagbabayad ng hiwalay na P80,000 kada araw hangga’t hindi nasusunod ang naunang order. Bukod dito, hinihingian din ang subcontractor ng Occupational Safety and Health Program at safety guidelines and procedure tungkol sa crane operations.

Gayundin ang Bauer Foundations Philippines na pinagbabayad din ng P130,000 kada araw hanggang matupad nito ang hinihingi ng DOLE sa naunang order.

Inatasan din ng DOLE ang piling contractor na maglagay ng karagdagang fire extinguishers, safety signages, directional signages, at magsubmit ng ‘proof of clear access’ para sa mga trabahador at empleyado nito.

Ang kabuuang administrative fine sa tatlong nabanggit na kumpanya ay umabot sa P380,000.

Paliwanag ni DOLE Information and Public Service Director Rolly Francia, ito ay posibleng lumaki pa dahil P380,000 din ang babayaran sa kada araw na hindi ito kaagad maibigay ng mga contractors.

Loading…