Female PNP cop na nameke ng kanyang RT-PCR test result, posibleng masibak

Imahe mula sa Davo PIO
  • Nahaharap sa mga administative cases ang isang PNP female cop dahil sa pamemeke ng RT-PCR test result
  • Posible rin umanong masibak sa serbisyo ang police officer
  • Nauna nang ipinahayag ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na hindi na kailangang mameke ng RT-PCR test result dahil pagbaba sa airport ay puwede doon ng magpa-test nang libre

Nahaharap sa mga administrative cases na grave misconduct at dishonesty ang isang babaeng police officer matapos nitong magprisinta ng pekeng Reverse Transcription-Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) test result sa Francisco Bangoy International Airport sa Davao City.

Imahe mula sa Business World

Kinilala ang female cop bilang si Police Lieutenant Joy Line Cumbao, isang Forensic Officer na nakatalaga sa Philippine National Police Crime Laboratory Region XI.

Kinumpirma ni PNP Crime Lab XI Director P/Brig. Gen. Steve Ludan na pineke ni P/Lt. Cumbao ang kanyang RT-PCR test result at hindi ito sumailalim sa testing.

“She did not undergo RT-PCR test during the first or second week of this month December 2020. No RT-PCR was issued to her this month. An administrative case of grave misconduct and grave dishonesty has been filed against her and she is now facing the maximum penalty of dismissal from the police service,” ayon kay P/Brig. Gen. Ludan.

Sinabi ni City Tourism Officer at Airport Monitoring Team head Generose Tecson na malinaw na nanloko ang female cop na nagsabing down ang server ng Camp Crame at hindi niya ma-access ang record niya.

“She tried to get out from the situation; saying that the server in Camp Crame where she allegedly got tested was down. Pinapa-access ko sa kanya. No medical tests were found. When we checked with Crame, no results were found,” ani Tecson.

Imahe mula sa Davao PIO

Nauna nang ipinahayag ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na hindi na kailangang mameke ng RT-PCR test result dahil pagbaba sa airport ay puwede doong magpa-test nang libre.

Loading…