Filipino Nurses United magsasagawa ng pagkilos para kondenahin ang delayed salaries at benefits

Screenshot mula sa ABS-CBN video
  • Filipino Nurses United magsasagawa ng pagkilos Biyernes ng tanghali sa Philippine Heart Center sa Quezon City
  • Ihahayag ng grupo ang kanilang saloobin hinggil sa isyu ng naantalang suweldo at benepisyo ng mga nurses
  • Plano na ring magsampa ng kaukulang reklamo ang mga nurses laban sa mga dapat managot sa naturang isyu

Nanawagan ang Filipino Nurses United (FNU) sa mga miyembro nito na sumapi sa gagawing pagkilos upang magpahayag ng kanilang saloobin hinggil sa suweldo at mga benepisyong hindi naibibigay sa takdang oras.

Screenshot ng Facebook post ng FNU

Sinabi ni FNU vice president Leni Nolasco na hanggang ngayon ay wala pa ring pagbabago sa sitwasyon makalipas ang ilang buwan kaya’t kailangan na umano nilang ihayag ang saloobin hinggil sa isyu. Gaganapin ang protesta Biyernes ng tanghalai, Decenber 4, sa Philippine Heart Center sa Quezon City.

Mula pa noong magsimula ang pandemya, ilang grupo na ang nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sa ginagawang pagtrato sa mga nurses sa health facilities, pampubliko man at pribado. Bukod sa nahahantad sa panganib na dala ng COVID-19, reklamo rin ng mga nurses ang suweldong naaantala.

Ang mga health workers sa Philippine General Hospital, na nagsagawa ng protesta noong nakaraang linggo, ay anim na buwan na umanong hindi natatanggap ang kanilang hazard pay at special risk allowance.

“These government agencies have all the resources and power to implement the mandated salaries and benefits for health workers, and yet they become culprits in exploiting the frontline health workers at midst of COVID-19 battle,” ayon kay FNU National President Maristela Abenojar.

Screenshot ng Facebook post ng FNU

Ibinunyag pa ni Abenojar na nagpaplano nang magsampa ng kaukulang reklamo ang mga nurses laban sa mga hindi nagpatupad ng order ng Supreme Court na taasan ang buwanang sahod ng mga nurses at bigyan ng hazard pay at special risk allowance.

Nalulungkot si Robert Mendoza, ang national president ng Alliance of Health Workers, na nasa 16,000 health workers ang hindi pa rin nakatatanggap ng COVID hazard pay.

Kinuwestyon din niya ang polisiya ng gobyerno na ang mga nasa COVID ward ng mga pagamutan lang ang bibigyan ng COVID hazard pay gayong lahat ng hospital employees ay exposed sa panganib ng COVID-19.

Samantala, naghain ng resolusyon si Senator Risa Hontiveros upang maimbestigahan ang mga karaingan ng mga nurses.

Imahe mula sa Facebook account ni Sen. Risa Hontiveros
Source :

ABS-CBN, Facebook

Loading…