Fitspiration! Melissa Ricks ibinahagi ang weight loss sa loob lamang ng ilang buwan

  • Pinamangha ni Melissa Ricks ang mga netizens dahil sa kaniyang weight loss
  • Ayon sa kaniya, malaki na ang nabawas sa kaniyang timbang mula Agosto hanggang Disyembre
  • Proper diet lamang at isang “sikreto” ang kaniyang sinabing dahilan nito

Ibinahagi ng aktres na si Melissa Ricks ang kamangha-manghang transpormasyon, matapos ang kaniyang weight loss sa loob lamang ng ilang buwan.

Makikita mismo sa kaniyang Instagram post ang kaniyang larawan noong Agosto 2020 at ngayong Disyembre 2020. Sa halos apat na buwan, napakalaki na nga ng pinagbago ng kaniyang katawan, at tila bumalik na ito sa dati, noong hindi pa siya nagkaka-baby at dalaga pa.

Imahe mula sa Instagram account ni Melissa Ricks

“August vs December. I never thought I’d lose the weight anymore, till I found something that helped me, along with proper diet and a secret I’ll reveal soon!!” saad niya sa kaniyang caption.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Disiplina lang talaga ang pinaka-kailangan at determinasyon para magbawas ng timbang,” sabi ng isang namanghang netizen.

Turan naman ng isa, “Wow sana bumalik ‘yong dati mong body ang ganda mo. Pero sa totoo lang, kahit na medyo nag-gain ka ng weight, maganda ka pa rin naman!”

“Fitspiration! You gae us hope na puwede pang pumayat, hindi para sa looks, kundi para sa health reasons na rin,” wika naman ng isa.

Nawala sa limelight ang aktres nang magbuntis ito. Matapos makapanganak at maging full-time mom, nagsimula na nga siyang mag-gain ng timbang. Bago mag-quarantine, napabilang pa siya sa action series na pinagbidahan ni Julia Montes na “24/7” na hindi na naipagpatuloy dahil nga sa pandemya, at hamon sa prangkisa ng ABS-CBN.

Imahe mula sa Instagram account ni Melissa Ricks

Sa Instagram accounts noon, ibinahagi ni Melissa ang kaniyang journey tungo sa pagpapapayat.

“Proper diet and exercise is key, but its also good to see what works for us, what helps and aids in out weight loss, helps gain back out confidence and gives us that boost of encouragement when we see visible results,” lagi niyang paalala.

Nagsimula ang career ni Melissa nang mapabilang siya sa Magic Circle of 5 ng kauna-unahang Star Circle Quest kasama sina Hero Angeles, Sandara Park, Roxanne Guinoo, at Joross Gamboa noong 2004.

Napabilang siya sa mga teleseryeng “Iisa Pa Lamang (2008),” “Kambal sa Uma (2009),” “Walang Hanggan (2012), ” at ang kauna-unahan niyang lead role na  “Nasaan ka, Elisa? (2011).”

Loading…