GIF ni Roque ginamit ng Thai news site sa isang COVID reminder: “Because he’s round and Asian”

Screenshot mula sa Twitter
  • Ginamit ng isang Thai news website ang GIF ni Sec. Harry Roque para paalalahanan ang publiko tungkol sa pagsunod sa health protocol
  • Kinalaunan ay sinabi ng news site na hindi nila kilala ang taong nasa GIF
  • Hindi pa naglalabas ng komento tungkol dito ang tagapagsalita ng Malakanyang

Ginamit ng isang news website sa Thailand ang GIF (graphics interchange format) ni Presidential Spokesperson Harry Roque para paalalahanan ang mga mamamayan ng kanilang bansa tungkol sa pagsunod sa COVID-19 health protocols.

Sa isang Twitter post, ibinahagi ng Thai Enquirer ang GIF ni Roque kalakip ang mga paalalang: “We’re all in this together so we would just like to remind everyone reading to 1. Wash your hands constantly 2. Always wear a mask 3. Socially Distance.”

Screenshot mula sa Twitter

“Listen to government announcements and do not take unnecessary risks,” ayon pa sa post.

Ang GIF ni Roque ay kuha sa isa sa kaniyang mga public address kung saan makikita siyang iwinawagayway ang kanang kamay habang nagsasalita.

Mababasa rin sa ibaba ng kaniyang microphone ang mg paalalang “Wear mask”, “Wash hands” at “Keep distance” na malimit makita noong mga nakaraang buwan kapag nagsasalita sa publiko ang tagapagsalita ng Palasyo.

Kinalaunan ay nagpaliwanag ang Thai Enquirer na hindi nila kilala ang taong nasa GIF.

Screenshot mula sa Twitter

“We have no idea who this person is,” anang website nitong Linggo, Disyembre 20.

“We used the gif because he’s round and Asian!!” dagdag na pahayag nito.

Ayon sa sariling description ng kanilang Twitter account, ang Thai Enquirer ay nagsusulat ng “Commentary, criticisms and news from a Thai perspective” at mayroon itong mahigit 48,000 followers sa microblogging platform.

Samantala, hindi pa naglalabas ng kaniyang saloobin o komento si Secretary Harry Roque tungkol dito.

Loading…