Giselle Sanchez nagwaging Noble Queen International 2020

  • Itinanghal na Noble Queen International 2020 si Giselle Sanchez
  • Ang Noble Queen of the Universe ay si Megan Camaisa mula sa Southern California, USA
  • Si Patricia Javier ang Noble Queen of the Universe noong 2019

Nagwagi bilang Noble Queen International 2020 ang komedyante at tv host na si Giselle Sanchez sa ginanap na online Noble Queen of the Universe pageant noong Disyembre 30, 2020. Si Megan Camaisa ng Southern California, USA, ang kinoronahang Noble Queen of the Universe 2020.

Ibinahagi ni Giselle ang kaniyang tagumpay sa kaniyang Instagram post nitong Disyembre 30, 2020, kalakip ang dalawang larawan habang nakaputong ang korona, sash na kinalalagyan ng kaniyang titulo, at ang kaniyang suot na royal blue na gown.

Imahe mula sa Instagram account ni Giselle Sanchez

“I did it! I was able to bring home the crown as Noble Queen of the Universe International!” masayang bungad ni Giselle sa kaniyang Instagram post.

Bukod sa kaniyang nakuhang titulo, si Giselle rin ang nakakuha ng dalawang special awards gaya ng Noble Queen of Social Media and Noble Ambassadress of Humanity.

Binati ni Giselle ang iba pa niyang mga katunggali na nasungkit din ang iba’t ibang mga titulo. Ang itinanghal na Noble Queen Globe ay si Aditi Ahuja mula sa bansang India, Noble Queen Earth si Rhonda Swan mula sa USA, at Noble Queen Tourism si Janeen Streetman mula sa West Coast USA.

Nasa Runners Up naman ang dalawa pang kandidata mula sa Pilipinas. 1st Runner Up si Anna Perez mula sa Pampanga at 2nd Runner Up si Catherine Coo Pulido Catalan mula sa Antipolo City.

“Sixteen family oriented women with advocacies all over the world fought for the five crowns and I am so blessed to have brought home one for the Philippines. This is my final takeaway for 2020 and I thank God and the entire Philippines who supported me in my journey.”

Imahe mula sa Facebook page ng Noble Queen of the Universe

Pinasalamatan ni Giselle ang lahat ng mga taong sumuporta sa kaniya, lalo na ang kaniyang chiroproctor na su Rob Walcher, at ang Noble Queen of the Universe 2019 na si Patricia Javier, na siyang humikayat kay Giselle upang lumahok sa naturang paligsahan. Noong una raw ay nagdadalawang-isip siyang sumali rito, subalit nakita niya kasi ang magandang adbokasiya nito.

“My deepest thanks to my chiropractor Rob Walcher and his wife, Noble Queen of the Universe, Patricia Javier, who sponsored me to enter the pageant as I was hesitant and half -hearted to join. I was finally convinced when Patricia told me that I can use the Noble Queen Pageant as a platform to get more donors so I can help more homeless families which is my advocacy,” paliwanag ni Giselle.

“And now, in a few days I will be blessing a newly constructed home for a homeless family courtesy of the Noble Queen franchise. I am so blessed that I have found this sisterhood who has fully supported my advocacy to help the homeless and provide food, shelter and sustainable livelihood for them.”

Imahe mula sa Facebook page ng Noble Queen of the Universe

Pagbati sa iyo, Giselle Sanchez, ang ating Noble Queen International 2020!

Loading…