Gov. Remulla binawi ang sinabing puwede na sa Cavite malls ang mga batang 10 years old

Imahe mula sa Facebook account ni Gov. Jonvic Remulla
  • Binawi ni Cavite Gov. Jonvic Remulla ang naunang pahayag hinggil sa mga minors na pinapayagan sa mga malls
  • Humingi siya ng paumanhin sa ginawa niyang pahayag na pinapayagan ang mga batang 10 years old pataas sa loob ng shopping malls sa Cavite
  • Kahit bumababa na ang bilang ng COVID-19 cases sa Cavite ay kailangan daw na makiisa ang lalawigan sa national government

Ang mga may edad na 15 hanggang 65 lang ang papayagang makapasok sa mga shopping malls sa Cavite, paglilinaw ni Governor Jonvic Remulla nitong Biyernes, December 4, kasabay ng paghingi niya ng paumanhin sa nauna niyang pahayag na pinapayagan na sa malls ang mga batang may edad 10 pataas.

Imahe mula sa Facebook account ni Gov. Jonvic Remulla

Ito ang bahagi ng naunang pahayag ng gobernador:

  1. Ang mga accompanied minor na puwede pumasok ng mall must be 10 and above.
  2. Ang mga Senior Citizen (60 up) ay puedeng hindi accompanied sa mall.

Paliwanag ni Gov. Remulla, mabilis niyang ginawa ang patakaran matapos nilang mabasa sa mga pahayagan na pinapayagan na ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang mga minors na edad 15 pababa.

Narito naman ang ginawa niyang paglilinaw:

“First of all, allow me to sincerely apologize as I take full responsibility for my announcement of the new mall policy last Dec 2 & 3,” anang Cavite governor.

Nagkamali umano siya sa pagiging masigasig na maibalik ang personal freedom ng mga taga-Cavite. Nais lang daw niyang mabigyan ng kasiyahan ngayong kapaskuhan na makapamasyal kasama ang buong pamilya  ang mga kabataang matagal nang natengga sa kanilang mga bahay.

Screenshot mula sa ANC

“I have no one to blame but myself,” mapagkumbabang sabi ng gobernador.

Aniya, kahit bumaba na ang bilang ng mga COVID-19 cases sa Cavite ay kailangang makiisa ang lalawigan sa national government.

Source :

Facebook, ABS-CBN

Loading…