Gown ni Miss Earth-Water 2020 halaw sa Banaue Rice Terraces at sa “Si Malakas at si Maganda”

  • Pinag-usapan ng mga netizens ang mga eleganteng long gown ni Roxanne Baeyens
  • Siya ang kandidata ng Pilipinas sa ginanap na Miss Earth at siya ang itinanghal na Miss Earth-Water
  • Ang kaniyang gown ay halaw umano sa rice terraces sa Banaue sa Cordillera; gayundin kina “Malakas at Maganda” 

Nasungkit ng kandidata ng Pilipinas na si Roxanne Baeyens ang titulong ‘Miss Earth-Water 2020″ sa ginanap na virtual coronation night ng “Miss Earth 2020” nitong Nobyembre 29, 2020.

Kapansin-pansin at nakapukaw ng atensyon ng mga tagahanga ang napakagandang finale gown ni Roxanne. Ito raw ay halaw mula sa Banaue Rice Terraces na likha ng Filipino designer na si Rian Fernandez.

Makikita sa Instagram post ni Roxanne ang paliwanag niya sa eleganteng long gown. Tinawag niya itong “Highland Maiden.”

Imahe mula sa Instagram account ni Roxanne Baeyens

“This gown is carefully handcrafted to perfection and inspired with the Rice Terraces of the majestic Cordilleras of the Philippines creating a social balance of the landscape of great beauty that expresses the harmony between mankind and the environment.”

“The bodice depicts the high rice fields of the Ifugao and the skirt represents the contours of the mountains. This Rian Fernandez masterpiece reminds us the sacred tradition to continuously ensure the sustainability and conservation of this living cultural treasure over time,” ayon sa caption.

Sina Michala Rubinstein mula sa Denmark ang Miss Earth-Fire 2020, si Stephany Zreik ng Venezuela ang Miss Earth-Air, at si Si Lindsey Coffey ng USA naman ang Miss Earth 2020.

Hindi malilimutan ni Baeyens ang kaniyang naging karanasan. Malaki ang pasasalamat niya sa Miss Earth Organization dahil hinayaan siyang magsalita ukol sa kaniyang adbokasiyang pangkapaligiran.

“I can’t wait for me and my eco-sisters to have an amazing journey. Thank you for the love, and always spread love for Mother Earth,” mensahe niya.

Imahe mula sa Instagram account ni Roxanne Baeyens

Ang Banaue Rice Terraces o Hagdang-hagdang Palayan ay isa sa mga maipagmamalaki ng bansa sa mga turista. Ito ay ginawa ng mga Ifugao sa paanan ng bundok. Itinuturing itong “8th Wonder of the World.”

Isa pa sa mga pinag-usapan ay ang gown niyang hinango naman sa  mitong “Si Malakas at si Maganda” na pinagmulan ng sangkatauhan, ayon sa mitong Tagalog.

Loading…