Grade 9 student pumapasok sa online class habang nagtitinda sa kalsada

Imahe mula sa Facebook | Benj Gonzales
  • Hanga ang netizen sa isang tindero ng gulay na nakilala niya sa labas ng palengke sa Valenzuela City
  • Habang nagbabantay kasi ito ng kaniyang kariton ay dumadalo ito sa kanilang online classes
  • Payo niya sa mag-aaral, ipagpatuloy lamang ang kaniyang pagsisikap at sigurado siyang malayo ang mararating nito sa buhay

Napabilib ang isang netizen sa nakilalang estudyante na nagtitinda ng mga prutas sa kalsada habang nag-aaral.

Imahe mula sa Unsplash

Kuwento ni Benj Gonzales sa isang Facebook post, pumunta siya sa isang pamilihan sa Valenzuela kamakailan. Kabilang sa kaniyang checklist ay mga prutas para sa asawang nagdadalantao ngunit masyadong mataas ang presyo ng mga ito.

“Ang mahal ng prutas sa loob ng market [kaya] naisipan kong bumili na lang sa labas, sa mga nasa kariton,” panimula niya.

Hindi naman daw siya nagkamali sa kaniyang naging desisyon dahil bukod sa mas mura nga sa labas ay nakilala niya rin ang Grade 9 student mula sa Valenzuela National High School na si Mike na noon ay dumadalo sa online classes.

“Na-curious ako kung bakit siya may laptop. Sabi niya nag-oonline classes siya. Nakita ko rin ‘yong mga module niyang marami at makapal,” dagdag niya pa.

Imahe mula sa Facebook | Benj Gonzales

Gamit ni Mike bilang hotspot ang kaniyang cellphone upang maka-connect sa Internet ang kaniyang laptop.

“Sa gitna ng pandemic at mga nangyayaring hindi maganda sa mundo ngayon dahil sa pagtaas ng mga bilihin at kahirapan, ito pa rin si Mike patuloy na nagpupursige, nagsusumikap, at nag-aaral habang nagtitinda sa gitna ng taas ng araw,” sabi pa ni Benj.

Sigurado raw si Benj na malayo ang mararating ni Mike sa buhay. “Dasal at sipag lang. Kaya mo iyan,” payo niya sa estudyante.

Hiling ng uploader, sana ay kapulutan ng aral ng marami ang pagiging masipag ni Mike.

“Mike, bukas ang aming tahanan kung kailangan mong maki-wifi. Mabuhay ka!”

 

Source :

Facebook

Loading…