Gumawa ka rin ba ng parol bilang school project?

  • Nostalgia ang hatid ng larawan ng mga parol sa isang Facebook page
  • Tinanong kasi ang mga netizens kung naging school project din ba nila ang paggawa ng parol
  • Bukod sa isa sa mga simbolo ng Pasko, sinasabing hango ang parol sa “Mexican piñata”

Isa sa mga simbolo ng Pasko ang mga isinasabit na parol sa bawat tahanan. Kapag may nakasabit na nito sa mga tahanan, gusali, opisina, mga pampublikong lugar, at maging sa mga paaralan, Christmas vibes na ang dulot nito. Simple man o may pailaw, talaga namang nakalulugod sa pakiramdam ang makakita nito.

Kaya naman, marami sa mga netizens ang nagbalik sa kanilang mga gunita nang nakaraan hinggil sa paggawa ng parol bilang school project noong sila ay nag-aaral pa. Iyan ang nostalgiang hatid ng Facebook page na “Batang Pinoy-Ngayon at Noon.” Minsan daw, may mga guro na ginagawang school project ang paggawa o pagdadala ng parol o lanterns.

Imahe mula sa Facebook page na Batang Pinoy-Ngayon at Noon

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens. Ibinahagi nila ang kanilang mga karanasan hinggil dito.

“Ito ang dapat ibalik na project tuwing BER month sa subject na HELE at TLE para maipakita ng mga mag aaral ang pagiging creative, artistic at imaginative ng kabataan. Damang-dama sa ganitong parol na malapit na ang PASKO!!!” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Oo naman, pagandahan ng parol. Kahit bahay kubo lang ang bahay noong bata tuwing PASKO ang ganda ng parol na gawa sa kawayan at papel de hapon. Nakaka-miss ang mga simpleng kaligayahan natin noong araw.”

“Siyang tunay noong elementary days ko ginagawa ko ‘to, tinutulungan pa ako ng aking ama sa pagawa nakaka-miss lang. Ngayon kasi puro online activities na dahil sa pandemya,” pahayag ng isa.

Sinasabing ang parol ay simbolo ng tala o malaking bituin na nakita at sinundan ng tatlong haring mago upang matagpuan ang sabsabang pinanganakan kay Hesukristo sa Betlehem. Ang konsepto nito ay dinala sa Pilipinas ng mga mananakop na Espanyol. Sa kabila nito, ang parol daw ay hinango o hawig sa ­Mexican piñata.

Public Domain Image

Noong panahong iyon, ginagamit ang parol bilang tanglaw ng mga taong nagnanais na magtungo sa simbahan upang dumalo sa misa sa madaling-araw.

Sa mga Chinese naman, kilala ang kanilang Chinese lanterns na pinaiilawan at maaaring paliparin sa himpapawid.

Loading…