Halos 100 empleyado ng Kamara nagpositibo sa COVID-19

Imahe mula sa PCOO
  • Kulang-kulang sa 100 empleyado ng Mababang Kapulungan ang nagpositibo sa coronavirus
  • Ito ay matapos magsagawa ng mass testing sa Kamara na ipinag-utos ni Speaker Velasco
  • Karamihan umano sa nagpositibo ay mga asymptomatic at inatasan nang magself-isolate

Matapos ang isinagawang mass testing kamakailan, halos 100 empleyado ng Mababang Kapulungan ang napag-alamang nagpositibo sa coronavirus.

Ayon kay House Secretary General Mark Llandro Mendoza nitong Martes, umabot sa 98 empleyado ng Kamara ang nagpositibo sa coronavirus. Ito ay halos 5 porsiyento ng kabuuan ng mahigit 2,000 na nagtatrabaho sa Mababang Kapulungan.

Imahe mula sa NEDA

Ito rin umano ang kauna-unahang pagkakataon na nagsagawa ng mass testing sa Lower House na ipinag-utos ni Speaker Lord Allan Velasco.

“It’s the first time a mass testing was conducted in the House since COVID-19 was declared a pandemic in March, and this happened less than one month after Speaker Velasco assumed office,” ani Mendoza.

Karamihan umano sa mga nagpositibo ay asymptomatic at inatasan nang magself-isolate, ayon pa sa opisyal.

“All those who tested positive were directed to self-isolate to avoid passing the virus to others and immediate tracing of their close contacts was conducted,” wika pa ni Mendoza.

Sa kasakuluyan, nakikipag-ugnayan na ang Kamara sa pamahalaang lungsod ng Quezon City para sa maayos na contact tracing.

Rep. Ramos & Rep. Datol| Imahe mula sa HoR

Bago pa man ito, umabot na sa mahigit 80 empleyado sa Kamara ang nagpositibo sa coronavirus simula noong Marso at halos lahat ay gumaling maliban sa lima katao.

Kabilang sa mga hindi pinalad na maka-recover sa sakit ay tatlong empleyado at mga kongresista na sina Sorsogon Rep. Ma. Bernardita “Ditas” B. Ramos at Senior Citizens Partylist Rep. Francisco Datol, Jr.

Samantala, ipinatutupad na umano ang mas mahigpit na health protocol sa lahat ng gusali at tanggapan sa loob ng Batasan Complex upang hindi na kumalat ang virus.

Loading…