Harry Roque sariling pera ang gamit kapag nagpupunta sa tourist spots para i-promote ang local tourism

Imahe mula sa Facebook account ni Harry Roque
  • Sariling pera ang ginagamit ni Harry Roque sa pagpunta sa mga tourist spots ng bansa upang i-promote ang lokal na turismo
  • Sinabi niya na P800,000 lang ang budget ng kanyang opisina
  • Ayon kay Roque, makatutulong ang domestic travel para bumaba ang unemployment rate ng bansa

Galing sa sariling bulsa ang perang ginagamit ni Presidential Spokesperson para tustusan ang ginagawa niyang pagbisita sa iba’t ibang mga tourist spots sa bansa. Ito ay dahil limitado raw ang budget ng kanyang opisina.

Imahe mula sa Facebook account ni Harry Roque

Ginagawa raw niya iyon upang matulungan ang local tourism.

“To be honest, mostly sariling bulsa kasi my office only has around P800 thousand budget,” wika ni Roque nang tanungin kung sino ang gumagastos sa kanyang mga pagbibiyahe sa mga tourist spots ng bansa.

Matatandaang noong nakaraang linggo ay nasa Bantayan Island sa Cebu si Roque upang i-promote ang turismo roon kasabay ng pagbubukas ng Bantayan Island Airport. Nauna na rin niyang pinasyalan ang Ocean Adventure sa Subic  at ang Boracay.

Nitong Huwebes, December 3, ay nasa Palawan siya kung saan napahanga siya sa mahigpit na pagpapatupad sa health protocols ng mga local authorities sa buong probinsya.

“Impressed ako sa procedures na ginawa sa airport, sa mga restaurants, at sa mga lugar na aking napuntahan. Mukha namang handa ang Palawan,” aniya.

Imahe mula sa Facebook account ni Harry Roque

Ayon kay Roque, makatutulong ang domestic travel upang bumaba ang unemployment rate ng bansa na batay sa datos ng Philippine Statistics Authority ay 3.8 na mga Pilipino na ang edad ay 15 pataas ang walang trabaho.

Aniya, ikinalungkot ito ng pamahalaan kaya nga isinusulong nito ang domestic travel upang masuportahan ang mga manggagawa at mga negosyo sa tourism industry.

“Well, marami pa rin po ‘yan kaya nakakalungkot nga po ‘yan. Kaya nga po naging advocacy na natin na ‘yung sa mga lugar na nagbubukas ng turismo dahil napakadali pong magbigay ng hanapbuhay sa turismo at sinusuportahan po natin sa ating mga press briefing,” ani Roque.

Dapat naman umanong matutunan ng mga travelers na mamuhay kasabay ng virus habang wala pang vaccine dahil kailangang balansehin ang kalusugan at ekonomiya.

Imahe mula sa PNA

Loading…