Harry Roque walang planong tumakbong muli sa Senado sa 2022

Image by Harry Roque via Facebook
  • Hindi na raw tatakbong senador muli si Roque sa taong 2022
  • Sa halip, mas nais na raw nitong bumalik sa pribadong buhay
  • Ito ay matapos siyang tawaging ‘senator’ ng isang gobernador

Wala nang planong sumabak muli sa politika si Presidential Spokesperson Harry Roque at sa halip ay babalik na lamang umano siya sa kaniyang pribadong buhay.

Sa ginanap na press briefing nitong Lunes, pabirong tinawag ni Quezon Governor Danilo Suarez na ‘senator’ si Roque subalit kaagad naman itong binawi at sinabing, “Excuse me, Secretary pa pala. Sa 2022 pa.”

Imahe mula sa PCOO

Nang hingian ng komento tungkol dito, iginiit ng tagapagsalita ng Palasyo na ‘looking forward’ na lamang siya sa pagbabalik bilang pribadong mamamayan.

“After what I’ve seen with the kind of media reporting and the kind of trolls that the opposition has, I am looking forward to retirement to government service,” wika ni Roque.

Si Roque ay tumakbong senador noong 2019 subalit umurong ito dahil sa isyu ng kaniyang kalusugan. Bago pa man ito ay nagsilbi muna siyang tagapagsalita ng Palasyo at pinalitan noon si Sec. Ernesto Abella.

Nagsilbi rin siyang partylist representative ng Kabayan partylist bago kinuhang spokesperson ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Imahe mula sa UNTV News

“Alam n’yo po, buong buhay ko I’ve always been a private person. I only became a government employee when I became congressman in 2016. I’m happy to say that ‘I have been there, done that’ and I look forward to having my privacy again come 2022,” ani Roque.

Kilala ring abogado si Roque at ilan sa kaniyang mga kasong hinawakan ay bilang legal counsel ng ilang biktima ng malaking kaso  sa Maguindanao at ng pamilya ni Jennifer Laude.

Nitong taon lamang siya muling bumalik sa Malakanyang bilang tagapagsalita ng Pangulo sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

Loading…