“Hindi maiiwasan ‘yan”: Malaking budget ng DPWH dinepensahan ni Angara

Imahe mula sa Facebook-DPWH
  • Ipinagtanggol ni Sen. Angara ang malaking budget para sa DPWH
  • Hindi raw ito maiiwasan dahil halos ganito ang kalakaran taon-taon
  • Tutol naman dito si Lacson, ang nag-iisang senador na ‘di bumoto pabor sa bicameral committee bill

Ipinagtanggol ni Senador Sonny Angara, chairman ng Senate Finance Committee, ang lumaking pondo na inilaan sa Department of Public Works and Highways (DPWH) sa ilalim ng 2021 national budget.

Para kay Angara, hindi ito maiiwasan lalo na kapag ang isang lokal na opisyal ay may planong tumakbo muli sa susunod na eleksiyon dahil hahanapan daw ang mga ito ng project ng kanilang mga constituents.

Sen. Angara/Imahe mula sa Facebook

“There are local officials in their districts—mayors, barangay captains—tinatanong sa congressman, nasaan ”yung project namin dyan? Humihingi sila ng classroom, ng kalsada, ng gymnasium,” paliwanag ng senador.

Sa ilalim kasi ng P4.5-trillion 2021 national budget na inaprubahan ng Kongreso nitong Miyerkules, umabot sa P694.82-B ang napunta sa DPWH, pangalawa sa pinakamataas at sumunod lamang sa budget ng DepEd na P708.2-B.

Mas mataas rin ito kumpara sa budget na P287.47-B ng Department of Health (DOH) na nakatakdang bumili ng bakuna kontra COVID-19.

Subalit ayon kay Angara, hindi ito maiiwasan sapagkat ganito ang kalakaran halos taon-taon.

Imahe mula sa Wikimedia

“Hindi maiwasan ‘yan. You talk to any congressman and they’ll tell you na hinihingian sila sa district. I think those are the requirements of the job, partly, when you are up for reelection in 3 years—your constituents will ask you, did you bring home the bacon to our area? Did you bring home the bacon to our district? Ganun yung usapan dyan, hindi maiwasan ‘yan taon-taon,” wika ng senador.

Hindi naman sang-ayon dito si Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson’, ang nag-iisang senador na hindi bumoto pabor sa bicameral committee bill.

Lumobo kasi ng P28.3 ang budget ng DPWH mula sa dating P666.5-B sa ilalim ng National Expenditure Program (NEP). Ito ay sa sa kabila umano ng pagkakaroon ng ‘unused appropriations’ ng DPWH na umabot sa P81.9-B mula 2011 hanggang 2018 at ‘disbursement rate’ na 37.8% lamang.

Screenshot mula sa ABS-CBN video

Wala raw ‘logic’ ang pagdagdag sa budget ng nasabing ahensya lalo pa’t nasa gitna ng pandemya ang bansa at napakababa naman ng ‘utilization record’ nito.

Giit naman ni Angara, tinalakay nila ang sinabi ni Lacson subalit baka raw lalong hindi umabot sa deadline ang pagpasa ng budget kapag tinanggal pa ang ilang alokasyon para sa ibang distrito ng bansa.

Loading…