Hollywood actor nag-share sa social media ng litrato ng traffic jam sa EDSA

Imahe mula kay Joseph Gordon-Levitt
  • Nag-share ng larawan ng EDSA traffic jam ang Hollywood actor na si Joseph Gordon-Levitt
  • Hinikayat niya ang publiko na i-describe sa loob ng 5 words ang eksena sa larawan
  • Ang mga interesadong magbigay ng deskripsyon ng grabeng trapik sa EDSA ay kailangang magtungo sa website ng hitRECord

Nag-share ang Hollywood actor na si Joseph Gordon-Levitt ng larawan ng grabeng trapik sa EDSA at hinikayat ang publiko na ilarawan sa loob ng 5 words ang naturang eksena.

Screenshot mula sa video ng hitRECord

“Take a look at this photo of a traffic jam on the EDSA highway in the Philippines. How would you describe this scene in exactly 5 words?” post ng actor sa Facebook noong Martes, December 22.

Ang mga interesadong magbigay ng deskripsyon ng grabeng trapik sa EDSA ay kailangang magtungo sa website ng hitRECord, isang kakaibang production company na kahit sinong may access sa internet ay maaaring maging bahagi ng mga proyekto ng kumpanya na itinatag ni Joseph Gordon-Levitt.

Ang hitRECord ay gumagawa ng mga short films, books, music art at televison shows.

Ang EDSA Traffic Jam, sabi ng aktor, ay isa sa mga first spin-off projects ng “Stories of the Philippines” project ng hitRECord community.

Aniya, isang miyembro ng hitRECord community, si @Deder, ang nag-post ng litrato ng EDSA traffic jam sa hitRECord website bilang tugon sa panawagan na mag-post ng anumang larawan na kuha kahit saang bahagi ng bansa.

Imahe mula kay Joseph Gordon-Levitt

“By the way… this is one of the first spin-off projects to the hitRECord community’s “Stories of the Philippines” project. @Deder posted this awesome photo in response to the prompt to share a photo taken somewhere in the country, and @MattConley saw it, felt inspired, and turned it into this new writing prompt,” ani Gordon-Levitt.

Excited na raw siya kung ano ang kalalabasan ng bagong proyektong ito.

Ang mga contributors ay binabayaran kapag naisama sa money-making production ng hitRECord ang kontribusyon nila.

Imahe mula sa hitRECord
Source :

Facebook, ABS-CBN

Loading…