Hotline na sumbungan sa karaoke at mass gathering ban violations, ipinag-utos ng DILG sa LGUs at PNP

Imahe mula sa Pixabay
  • Dapat magkaroon ang mga LGUs at PNP ng hotline na sumbungan ng publiko sa mga paglabag sa karaoke at mass gathering ban
  • Imo-monitor ng PNP ang social media sa mga paglabag sa quarantine rules na ipinatutupad
  • Kailangang handa ang mga opisyal na rumesponde sa bawat sumbong na kanilang matatanggap

Ipinag-utos ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa mga opisyal ng local government units (LGUs) at Philippine National Police (PNP) ang pagkakaroon ng mga ito ng hotlines kung saan maaaring magsumbong ang publiko sa mga paglabag sa videoke/karaoke at mass gathering ban ngayong kapaskuhan.

Imahe mula sa Philippine Lifestyle

Sa isang press briefing, ipinahayag ni DILG Undersecretary Epimaco Densing II na kailangang mahigpit na ipatupad ng LGUs at PNP ang pagbabawal sa mass gathering at videoke/karaoke session.

Kailangan din umanong laging handang rumesponde ang mga opisyal sa mga sumbong na matatanggap.

“They also have to be ready to respond whenever they receive reports of mass gatherings happening. Video and karaoke are strictly prohibited because it has been proven that these activities can spread the virus,” wika ni Usec. Densing.

Isiniwalat din ni Densing na noong isang buwan ay inatasan na nito ang PNP na i-monitor ang social media sa mga violations sa mga ipinatutupad na quarantine rules.

“Our police and other authorities will come to you to verify if you violate protocols and then appropriate actions can be taken against you,” aniya.

Screenshot mula sa Inquirer video

Nilinaw ng DILG na pinapayagan naman ang karaoke sessions ng isang pamilya sa loob ng sarili nilang tahanan, ngunit hindi maaaring mag-imbita ng mga kapitbahay.

“We highly discourage iyong public karaoke. Pero kung kayo po ay dalawa o tatlo sa loob ng iyong bahay at kayo ay magkakaroke sa loob ng inyong tahanan ay sa tingin po namin ay wala naman pong masama diyan,” paglilinaw naman ni Usec. Jonathan Malaya kasabay ng pagbibigay ng paalala sa mga videoke at karaoke bars na hindi pa rin sila pinapayagang mag-operate sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine.

Batay sa pag-aaral ng mga health experts, ang malakas na pagkanta ay isa sa mga matitinding magpakalat ng virus kung kaya’t hindi ito hinihikayat habang umiiral ang COVID-19 pandemic.

Imahe mula sa PNA

Loading…