Hyper-realistic na maskara sa Japan mabibili sa halagang higit P45k

Screenshot mula sa SCMP video
  • Gumawa ng hyper-realistic masks ang isang negosyante sa Japan
  • Nagbayad siya ng 40,000 yen sa bawat modelo na pumayag ipagamit ang kanilang mukha
  • Base sa dami ng mga nagpakita ng interes, inaasahan ng negosyante na magiging mabenta ang hyper-realistic masks sa paglulunsad nito sa susunod na taon

Marami ang na-weirdo-han sa ideya ng isang negosyante sa Japan na “mag-buy and sell” ng mga mukha ng tao. Sino nga ba naman ang gustong “magbenta” ng kanyang mukha o kaya ay “bumili” ng mukha ng ibang tao at isuot ito?

Screenshot mula sa SCMP video

“It’s so unpleasant. Why are you doing this?” Ganito raw ang mga naunang reaksyon sa kanyang proyekto.

Hyper-realistic masks ang naisip gawin ni Shuhei Okawara. Three dimensional ang maskarang gawa  niya na ang itsura ay hango sa mukha ng mga estranghero na bawat isa ay binayaran niya ng 40,000 yen o katumbas ng P18, 595.

“Mask shops in Venice probably do not buy or sell faces. But that is something that’s likely to happen in fantasy stories. I thought it would be fun to actually do that,” sabi ni Okawara na mayroong shop ng mga accessories para sa party at theatrical performances sa Tokyo – ang Kamenya Omote.

Sa ngayon ay tatlong makatotohanang maskara pa lang ang nagawa ni Okawara mula sa mahigit isandaang tao na nag-apply na maging modelo ng kanyang produkto. Ini-scan niya ang larawan ng tatlong napili niyang modelo at gumamit ng 3D printer upang magawa ang finished product.

Screenshot mula sa SCMP video

Sabi ni Okawara, sa susunod na taon pa niya pormal na ilulunsad ang hyper-realistic masks. At batay raw sa dami ng mga nagpahiwatig ng kanilang interes, inaasahan niya na magiging malakas ang demand nito kapag nasa merkado na.

Plano niyang ibenta ang bawat maskara sa halagang 98,000 yen o katumbas ng P45,550. Unti-unti ay daragdagan rin daw niya ang lineup ng produkto niya. Posibleng kumuha rin siya ng mga modelo mula sa ibang bansa.

Nilinaw ni Okawara na ang kanyang hyper-realistic masks ay hindi nakapagbibigay ng proteksyon kontra COVID-19.

Screenshot mula sa SCMP video

Loading…