‘I cried ‘cause I missed her’: Claudine Barretto masaya sa muling pagkikita nila ni Gretchen

Imahe mula sa Instagram | Claudine Barretto
  • Emosyonal si Claudine Barretto sa muli nilang pagkikita ng kapatid na si Gretchen matapos ang siyam na buwan
  • Nagpasalamat si Claudine sa kapatid dahil kahit pa marami itong ginagawa ay naglaan ito ng oras upang magkita sila
  • Nagkaroon noon ng hidwaan ang magkapatid ngunit noong isang taon ay nagkaayos din sila

Napaluha ang aktres na si Claudine Barretto matapos na muling makapiling ang kaniyang nakatatandang kapatid na si Gretchen Barretto pagkatapos nilang hindi magkita sa loob ng siyam na buwan.

Nagbahagi ng kanilang larawan si Claudine sa Instagram at ikinuwento na pumunta raw si Gretchen sa bahay ng isa pa nilang kapatid na si Michie na nagdiwang ng kaniyang kaarawan kamakailan.

Imahe mula sa Instagram | Claudine Barretto

Kahit pa maraming commitment si Gretchen ay nakahanap pa rin ito ng oras upang kitain sila

“I was so, so happy! I thought she would not come na ’cause late na and she was busy with so many meetings yesterday, but she still found time to greet my Mommy Mich and I,” aniya. “Her being there just goes to show that in fun and good times, she will put us first. Especially on your lowest, she will make sure to check on me.”

Nagpasalamat siya Gretchen at inamin na hindi niya napigilan ang kaniyang luha dahil matagal din bago sila nagkita muli. “Thank you, my ate. I cried ’cause I missed her. Tears of joy. I love you so much, @gretchenbarretto,” pagtatapos niya.

Imahe mula sa Instagram | Claudine Barretto

Samantala, nag-iwan naman ng komento rito ang kaniyang kapatid. “I was so happy to see you, baby girl.”

Noong isang taon ay ibinahagi ni Gretchen na nagkaayos na sila ni Claudine. “Nagkita lang kami and then we hugged each other. Then, ayon na iyon. The rest is history,” sabi noon ni Gretchen.

Taong 2013 nang magsimula ang hidwaan sa pagitan ng dalawa dahil sa pagsasapubliko ni Gretchen ng pinagdaraanang problema diumano ng kaniyang kapatid.

Loading…