Ilegal na gawain ng pagmimina natuklasan sa Bundok Apo

  • Natuklasan ni Manny Piñol ang ilegal na gawain ng pagmimina sa Bundok Apo
  • Maituturing na pinakamataas na bundok ang Apo sa buong Pilipinas
  • Mga lokal na opisyal at sundalo umano ang mga nasa likod nito

Ibinahagi ng dating kalihim ng Department of Agriculture at ncumbent Chairperson ng Mindanao Development Authority (MinDA) na si Emmanuel “Manny” Piñol na nakatanggap siya ng mga ulat na may isinasagawang ilegal na gawain ng pagmimina sa protected area ng Bundok Apo sa lalawigan ng Davao.

Ibinahagi ito mismo ni Piñol sa kaniyang Facebook post nitong Disyembre 8, 2020.

Imahe mula sa Facebook account ni Manny Piñol / Public Domain Image

“Today, I received a report that a team from the Department of Environment and Natural Resources uncovered illegal mining operations and cutting of hardwood inside the Mt. Apo Protected Area in Barangay Don Panaca, Magpet, North Cotabato,” ayon sa kaniyang post.

Ang nakalulungkot daw rito, ang mga nasa likod daw ng pagmimina ay mga lokal na opisyal na pinoprotektahan ng mga sundalo.

“What makes this discovery totally outrageous was the confirmation that local officials, allegedly protected by Army soldiers, are behind the mining and clearing operations inside one the last remaining forest areas of Mindanao. The initial report also said that the poachers have started planting bananas in the areas cleared of natural growing trees.”

“I have directed officials of the Mindanao Development Authority (MinDA) to coordinate with the DENR’s Mines and Geosciences Bureau to get to the bottom of this. A report will be submitted to President Rodrigo Roa Duterte so that the encroachment into the Mt. Apo Forest Reserves will be stopped immediately,” dagdag pa niya.

Imahe mula sa Facebook account ni Manny Piñol / Public Domain Image

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“After the report and it turned as positive, the LGU officer/s should be charged of illegal mining. Meantime, those assigned army protectors (battalion) in cahoots with the LGU executives should be relieved and replaced. The picture-evidence speaks of the activity undertaken,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Deeply rooted corruption tsk, tsk! Shame on those officials. Environmental destruction should be on death penalty, it’s irreversible and destruction of our future.”

“Good job sir! Nawa sa buong bansa mapatigil na ang minings dahil hindi naman sinusunod ng mga namumuhunan ang mga dapat para sa komunidad! Mang-iiwan lang sila ng sira na kalikasan,” wika ng isa.

Giit ni  Piñol ito raw ay tila “bantay-salakay” kaya naman binabaha ang maraming lugar sa Mindanao dahil sa mga ganitong gawain sa kalikasan.

Loading…