Isang Pinay nurse personal na hinatiran ng regalong bagong kotse ni Ellen DeGeneres

Screenshot mula sa You Tube
  • Nakatanggap ng regalong sasakyan ang isang Pinay nurse mula kay Ellen DeGeneres
  • Halos naiyak sa kasiyahan ang nurse nang makitang ang sikat na host mismo ang nag-deliver nito
  • Pinasalamatan naman ni Ellen ang Pinay dahil sa kaniyang kabayanihan bilang frontliner

Isang maagang pamasko ang natanggap ng isang Filipina nurse sa Estados Unidos matapos itong regaluhan ng bagong sasakyan ni Ellen DeGeneres.

Si Flor Roz ay isa sa masuwerteng napili ng sikat na “The Ellen DeGeneres Show” host upang bigyan ng regalo upang pasalamatan at kilalanin ang kaniyang mga sakripisyo bilang isang frontliner.

Screenshot mula sa You Tube

Si Flor ay nakatira sa  Los Angeles, California kasama ang kaniyang mister na si Rowin at dalawang-taong gulang na anak na si Grey.

Sa You Tube video na ibinahagi ng show, makikitang si Ellen mismo ang nag-deliver ng bagong-bagong Hyundai Palisade sa bahay ng Pinay nurse kasama ang kaniyang kaibigang si Andy Lassner.

Kitang-kita naman ang katuwaan sa mukha ni Flor nang makita ang sikat na talk show host ang nagregalo sa kaniya ng bagong sasakyan.

Bago pa man ito, ikinuwento na ni Flor ang kaniyang naranasang hirap lalo na ngayong pandemya bilang isa sa mga frontliners.

Screenshot mula sa You Tube

“I became a nurse because since I was a kid, I love helping people. The pandemic has changed everything. People who are sick, since they cannot be visited by their family, I will be the one who’s gonna be by their side and let them know that there is this person who loves them,” anang Pinay.

Nahirapan umano talaga siya lalo pa’t inaabot ng ilang araw bago siya muling makauwi ng bahay at makita ang kaniyang pamilya.

“Right now, me and my husband share a car. If I don’t have the car, I sometimes ask my co-workers to pick me up and I walk. Or sometimes I take Uber,” bahagi pa ni Flor.

Screenshot mula sa You Tube

Nang dumating na si Ellen, halos napaiyak sa tuwa si Flor nang makita ang dalang sasakyan para sa kaniya. Pinasalamatan din siya ng host dahil sa kaniyang kabayanihan.

“It’s just amazing what you’ve been doing. I know that you and your husband are sharing one car. So I’ve partnered with Hyundai and they want to thank you for your service. They want to give you this Hyundai Palisade. This is your car. No more Ubers for you,” ani Ellen.

Panoorin ang buog video:

Loading…