Issa Pressman, Kim Jong Un nanguna sa ‘most searched personalities’ ng Pinoy sa Google ngayong 2020

Imahe mula sa Push/AP News
  • Nanguna sina Issa Pressman at Kim Jong Un sa ‘most searched personalities’ ng Pinoy sa Google
  • Nanguna rin sa pangkalahatang searches ang “US election 2020”
  • Sa ‘how to’ naman ay nanguna sa mga Pinoy ang “how to make a dalgona coffee?”

Nanguna sina Issa Pressman at Kim Jong Un bilang ‘most searched personalities’ ng mga Pinoy sa Google ngayong taong 2020 base sa inilabas na datos ng Google Philippines.

Ito ay sa kabila na ang taong 2020 ay halos pinagharian ng mga balita tungkol sa coronavirus, lockdown, quarantine protocols at COVID vaccine.

Issa Pressman| Imahe mula sa Push

Base sa data ng Google, nanguna si Issa Pressman sa listahan ng ‘most searched female personalities’ ng mga Pilipino. Si Issa ay ang kapatid na model at influencer ng aktres na si Yassi Pressman at minsang nasangkot sa paghihiwalay noon nina James Reid at Nadine Lustre.

Maliban kay Issa, kabilang din sa listahan sina actress Sofia Andres, vlogger Ivana Malawi, misis ni Kobe Bryant na si Vanessa Bryant at Tawag ng Tanghalan champion Janine Berdin ayon sa pagkasunod-sunod.

Ang diktador ng North Korea na si Kim Jong Un naman ang nanguna bilang ‘most searched male personality’ dahil na rin minsang napabalita ito noon na pumanaw na. Sinundan siya nina US President-elect Joe Biden, ‘Crash Landing on You’ actor Hyun Bin, Hollywood actor Tom Hanks at Pasig City Mayor Vico Sotto.

Imahe mula sa openDemocracy

Samantala, sa larangan ng balita naman ay nanguna sa Pilipinas bilang ‘most searched’ na topic ang tungkol sa US election 2020 na sinundan ng coronavirus, Taal Volcano, ‘first day of school’, at www.relief agad.ph.

Sa listahan naman ng ‘how to’, karamihan sa mga Pinoy ay naghanap sa Google tungkol sa

“How to make dalgona coffee?”. Pumangalawa dito ang “How to wear a surgical mask?” na sinundan ng “How to compute BMI?”,  “How to boost the immune system?”, at “How to make leche flan?”.

Screenshot mula sa Google

Sa pangkalahatan ay nanguna sa listahan ng mga Pinoy ang tungkol sa “US election 2020”, na sinundan ng “NBA score”, “coronavirus”, “DepEd Commons” at “Taal Volcano”.

Pasok din sa Top 10 ang “NBA schedule”, “Kobe Bryant”, ‘Lakers vs Heat”, “first day of school”, at “www.reliefagad.ph.”

Loading…