Ivana Alawi itinampok sa MEGAstyle magazine; ipinakita ang short-hair look

  • Tampok si Ivana Alawi sa MEGAstyle magazine
  • Tinawag siya nitong “Woman of the Year” at may hashtag na #StayBrilliant
  • Kamangha-mangha umano si Ivana sa itinakbo ng kaniyang showbiz career nitong 2020

Isa nga ang Kapamilya actress at social media influencer na si Ivana Alawi sa mga Filipino celebrities na maituturing na “sought-after” dahil sa kasikatanng tinatamo ngayon, idagdag pa ang kabigha-bighaning kagandahan hindi lamang sa panlabas na katangian, kundi maging sa kaniyang personalidad. Kilala ang aktres sa kaniyang pagtulong at pagkakawanggawa sa kaniyang kapwa.

Hindi kataka-takang bago matapos ang 2020 ay maitampok siya sa isang lifestyle magazine na “MEGAstyle” kung saan ipinakita niya ang kaniyang “short-hair look”; at syempre, hindi naman talaga mawawala ang kaniyang fashionable outfits at mga alahas.

May pamagat itong “Illuminated.”

Imahe mula sa Instagram account ng MEGAstyle

Para sa naturang magazine, maituturing na “woman of the year” si Ivana kaya siya ang pinili nilang itampok bago magtapos ang 2020.

“Woman of the year, Ivana Alawi, is bright-eyed and illuminating as the newest MEGAStyle cover girl. After conquering the YouTube scene, venturing into acting, and starting a music career, she has arrived in the year 2020. Like diamonds, the online sensation had to go through years of pressure before turning into a beautiful jewel. See the brilliant facets of Ivana by clicking the link on our bio,” saad ng caption ng post sa opisyal na Instagram account nito.

“After a whirlwind year filled with success and heartache, Ivana Alawi finds the strength to listen to her inner voice and trust her intuition. Authenticity is really important,  she explains. Be genuine with the viewers and be yourself,” ayon sa caption ng isa pang Instagram post ng MEGAstyle.

Ayon pa sa isa pang IG post, “Upon looking at the success of Ivana Alawi’s rise to stardom, it’s not only about her fun vlogs that people love about her—it’s her genuine compassion towards others that lets her #StayBrilliant. In our link in bio, she tells us why it’s important to pay it forward.?”

Imahe mula sa Instagram account ng MEGAstyle

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Mapa-long or short hair, pretty pa rin! Congrats, Ivana! Truly a woman of substance! Hindi lamang ganda kundi mabuti pa ang kalooban, kaya ka pinagpapala eh!” papuri naman ng isa.

Pahayag naman ng isa, “As always, you are nailing it! Iba talaga ang projection ni Ivana, at bagay sa iyo ang short hair! You look very alluring and seductive!”

“I love the shorth hair! Bagay! Pero mas maganda pa rin kapag long hair, sa personal na opinyon ko lang naman,” wika naman ng isa.

Kamakailan lamang ay unang beses na napabilang si Ivana sa listahan ng “100 Most Beautiful Faces of 2020” ng TC Candler. Siya ay nasa 11th spot. Kabilang din dito ang aktres na si Liza Soberano na nasa 14th spot. Silang dalawa lamang ang Pinay na nakapasok dito.

Imahe mula sa Instagram account ng MEGAstyle

Congratulations, Ivana!

Loading…