James Harden pinagmulta ng $50,000 dahil sa paglabag sa NBA COVID protocol

Imahe mula sa House of Houston
  • Pinatawan si Harden ng multang $50,000 dahil sa paglabag sa NBA COVID protocol
  • Ito ay matapos makunan sa video ang Rockets guard na dumalo sa party na walang face mask
  • Pinabulaanan naman ni Harden na isang club ang kaniyang pinuntahan

Pinagmulta ng National Basketball Association (NBA) si James Harden ng halagang $50,000 (P2.4-M) dahil sa diumano’y paglabag nito sa COVID-19 protocol ng liga.

Ito ay matapos lumabas kamakailan ang video ng Houston Rockets superstar na dumalo sa isang party na hindi nakasuot ng face mask; dahilan para maglunsad ng imbestigasyon ang NBA.

Bagama’t nagnegatibo sa COVID-19 si Harden nitong nagdaang araw, ‘unavailable’ naman ito sa naging laro ng Rockets kontra Oklahoma City Thunders noong Miyerkules dahil na rin sa insidente.

Screenshot ng video| Imahe mula sa BlackSportsOnline

Ang nasabing video na kumalat sa social media ay kuha umano sa isang club sa Houston kung saan ginanap ang party nitong linggo rin, bagay na pinasinungalingan naman ni Harden sa isang Instagram post.

“One thing after another. I went to show love to my homegirl at her event (not a strip club) because she is becoming a boss and putting her people in position of success and now it’s a problem,” anang Houston Rockets guard sa post nitong Miyerkules.

“Everyday it’s something different. No matter how many times people try to drag my name under you can’t. The real always end on top,” wika pa ng NBA star.

Ayon sa NBA COVID-19 protocol, ang lahat ng players ay pinagbabawalang pumunta sa mga bars, lounges o clubs, o kaya ay dumalo sa mga pagtitipon kung saan mayroong 15 o higit pa katao.

Imahe mula sa The Straits Times

Ang sinumang mapatunayang lumabag nito ay bibigyan ng warning, o kaya ay papatawan ng multa o suspension, bukod pa sa pagdalo sa isang education o training sessions.

Para sa mga players na lumabag sa COVID protocol at hindi makapaglaro, sila ay babawasan ng 1/72nd ng kanilang sahod kada game.

Sa kaso ni 31 anyos na si Harden, siya ay mawawalan ng $572,985 (P27.6-M) bawat game na hindi siya makapaglalaro.

Loading…