Japanese boy naispatang naglilinis sa isang beach sa Pangasinan

  • Kinalugdan ng mga netizens ang isang Japanese boy
  • Naispatan kasi siyang naglilinis at namumulot ng mga basura sa isang beach sa Pangasinan
  • Bahagi ng pagsasanay sa mga mag-aaral na Japanese sa kanilang bansa ang pagiging malinis at disiplinado

Kilala ang mga Japanese bilang malinis sa kapaligiran at punumpuno ng disiplina. Kaya naman isa ang Japan sa mga bansang paboritong pasyalan ng mga turista, noong wala pang pandemya at malaya pang nakapaglalakbay ang iba’t ibang mga tao sa bawat bansa.

Kaya naman, hindi nakapagtatakang may maiispatan tayong Japanese na bigla na lamang maglilinis ng kaniyang kapaligiran, dahil maaaring hindi siya sanay na makakita ng mga basurang nagkalat, lalo na kung ito ay beach. Kagaya na lamang ng naispatang Japanese boy na matiyagang namumulot ng mga balat ng candy at basura, sa isang beach sa Alaminos, Pangasinan.

Public Domain Image

Ang naturang bata ay anak ng isang government employee sa Dagupan City, na nakapangasawa ng isang Japanese woman.

Umani naman ito ng iba’t ibang papuri at komento mula sa mga netizens.

“Nakakahiya naman sa ating mga Pilipinong nakatatanda, hindi ba? Dapat tularan natin ang batang iyan. Tayong mga nakatatanda ang dapat manguna sa pangangalaga sa ating kapaligiran,” saad ng isa.

Sabi naman ng isa, “Ganyan talaga kapag may disiplina, nadadala kahit saan magpunta, sana pamarisan nang dumami pa sila pra gumanda ang ating kapaligiran at maging kaaya-aya sa ating mga mata. Salamat po sa mga magulang ng bata na napalaki nang maayos at tama ang anak.”

“Oo, in Japan’s schools kasi, kids are taught on  how to clean their own classrooms. They are teaching kids to show discipline and how important it is to clean the environment.”

Ayon sa panayam ng Manila Bulletin kay Hannah Galvez, CEO at Founder ng Olives, Inc. at Olives Language School sa Tokyo, Japan, bahagi talaga ng kanilang curriculum ang pagtuturo at pagsasanay sa mga Japanese students na maglinis ng kanilang paligid.

Public Domain Image

Matatandaang napabalita ang isang Japanese na nagngangalang “Mazakasa Nose” na naglilinis naman sa Maharlika Tiongsan overpass sa Baguio City na tinatawag na “Summer Capital of the Philippines.”

Remarkable Japanese sets return to Baguio City for another clean up mission; urges Filipinos to join him

Loading…