Jennylyn Mercado, Janella Salvador may pahaging sa mga mahilig mamuna ng “body changes” sa kapwa

  • May panawagan sina Jennylyn Mercado at Janella Salvador
  • Baguhin na sana ang isa sa mga “kapintasan” sa kultura ng mga Pilipino
  • Ito ay ang walang habas na pamumuna sa “body changes”

Sabi nga, kaakibat ng buhay ng tao ang pagbabago. Sa gusto man natin o sa ayaw, walang makapipigil sa mga pagbabagong ito, lalo na sa pangangatawan. Maaari kasing ang dating payat ay nadagdagan ng timbang, o kaya naman, ang dating malusog ay pumayat. Mas mahirap ito sa mga sikat na celebrities sa mundo ng showbiz, na hindi nakatatakas sa mga mapanuring mata ng mga netizens, tagahanga, at tagasubaybay.

Kaya naman, nanawagan ang ilang mga Pinay celebrities kagaya nina Jennylyn Mercardo at Janella Salvador na sana raw ay itigil na ang hayagan at walang habas na pamumuna sa “body changes” ng kapwa, lalo na kapag nasa pampublikong lugar. Makikita ito sa kani-kanilang mga Twitter posts.

Public Domain Image

“Can we discontinue this toxic Filipino trait na tuwing nagkikita ang hilig magkomento tungkol sa physical looks ng iba tulad ng Uy tumaba ka. It’s not okay. First of all it’s rude, second it may trigger some people na may Ed. Maling-mali,” saad ni Jennylyn sa kaniyang Twitter post.

Dagdag pa niya, “It should stop. Physical appearance has nothing to do with the quality of the person.”

Ganiyan din ang laman ng Twitter post ni Janella Salvador. Pagdating sa bagay ng pamumuna, “worst” daw ang mga Pilipino.

“Let me enjoy my Christmas pudding in peace. Happy holidays to you too!” saad niya.

Marami naman sa mga netizens ang nagbigay ng kani-kanilang mga reaksyon at opinyon hinggil dito.

“Your heart is as beautiful as you are, Jennylyn. Grabe lang. Sana dumami pa ang katulad ni Jennylyn Mercado. Imagine, 1:00 in the morning pero yung iniisip niya yung para i-boost yung self esteem at self confidence ng kapwa niya,” sabi ng isa.

Public Domain Image

Turan naman ng isa, “Don’t mind them, Janella, as long as you’re happy and busog. Happy Holidays!”

“Respect should be given. Be sensitive towards others,” saad naman ng isa.

Ikaw, anong masasabi mo hinggil dito? Nasabihan ka rin ba lalo’t panahon ngayon ng mga reunions?

Loading…