#JessGotLucky: Jessy Mendiola at Luis Manzano engaged na

  • Kinilig ang mga tagahanga nina Jessy Mendiola at Luis Manzano nang ihayag nilang engaged na sila
  • Nag-post sila ng parehong clips at mga larawan ng kanilang engagement sa Instagram
  • Pag-amin nila, noong Oktubre pa raw kuha ang naturang mga larawan subalit ngayong Disyembre 12, 2020 lamang nila inilabas 

Engaged na ang celebrity couple na sina Jessy Mendiola at Luis Manzano, matapos nilang ipasilip sa kani-kanilang Instagram accounts ang magkaparehong clips na nagpapakita ng nakasulat na “12-12-20” sa buhanginan ng Amanpulo beach, sa Pamalican Island, Palawan.

Sa Instagram post ni Luis Manzano, makikita ang naturang post kung saan nilagyan niya ito ng hashtag na #TheHowHows habang sa Instagram post naman ni Jessy, ito ay #JessGotLucky, at may caption ba na “YES.”

Imahe mula sa Instagram accounts nina Luis Manzano at Jessy Mendiola

Bumaha naman ng pagbati mula sa kanilang mga kaibigan, kakilala, at mga kasamahan sa showbiz. Subalit ang napansin talaga ng mga netizens ay ang reaksyon na idinaan sa mga emoticons ng ina ni Luis na si Congresswoman Vilma Santos-Recto.

Umani naman ito ng pagbati sa mga netizens.

“Congratulations! Hoping for the best para sa inyong dalawa. Sana kasalan na ang susunod,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “So incredibly happy for you guys!!! Best wishes to you!!! Congratulations!”

“Best wishes po sa inyong dalawa. Kahit na kontrobersiyal at naintriga ang relasyon ninyong dalawa, kahit na maraming tutol sa relasyon ninyo sa una pa lang, we are so happy for you! Ipakita ninyo sa mundo na hindi totoo ang sinasabi nila sa inyo. God bless po! Congratulations!” wika naman ng isa.

Sa kanilang panayam matapos ang announcement, inamin ng engaged couple na ang naturang engagement ay naganap noong unang linggo ng Oktubre, at hindi pa planado.  Inilarawan pa nila ito bilang “totally unexpected.” Minabuti nilang itago muna ito sa publiko sa loob ng dalawang buwan.

Imahe mula sa Instagram accounts nina Luis Manzano at Jessy Mendiola

“Everyone is congratulating us, kahit ‘yung mga hindi namin kilala, naiiyak sila kasi nakita nila ang journey ng relationship namin ever since from the beginning. Pero alam mo nakakatuwa din na naitago namin for a long time, parang we had this small bubble na meron tayong secret,” pagsisiwalat ni Jessy.

Sinabi naman ni Luis na noong una, naisip nilang itago na lamang ang naturang engagement, subalit bilang mga showbiz personalities, napagdesisyunan na nilang ipamalita ito sa pamamagitan ng kani-kanilang mga social media accounts, para sa kanilang mga kaibigan, extended families, at mga tagahanga’t tagasubaybay.

Pagbati kina Jessy at Luis!

Loading…