Jollibee Chickenjoy itinanghal na “Best Fried Chicken” sa Brunei

Imahe mula sa DFA
  • Taob sa Jollibee Brunei ang mga local restaurants at international food chains sa food competition sa Brunei
  • Ang Jollibee Chickenjoy ang itinanghal na Best Fried Chicken sa maiden edition ng Brunei Food Awards
  • Ang Jollibee Brunei, na noon pang 1987 itinatag, ang kauna-unahang overseas chain ng Jollibee Foods Corporation

Pinataob ng Jollibee ang ilang local restaurants at mga international food chains nang tanghalin ang Jollibee Chickenjoy bilang Best Fried Chicken sa isang food competition sa bansang Brunei.

Imahe mula sa Jollibee Brunei

Tatlong certified food judges at isang imbitadong special judge ang pumili sa Chickenjoy bilang Best Fried Chicken sa kauna-unahang edisyon ng Brunei Food Awards (BFA) na ginanap noong ika-13 ng Disyembre 2020 sa Mulia Hotel sa Bandar Seri Begawan.

Ang paghahatol sa mga pagkaing isinali ng Jollibee Brunei sa naturang kompetisyon ay ginawa noon pang ika-20 ng Oktubre 2020 kung saan ang Ambassador to Brunei ng Republic of Korea na si Yoon Hyun Bong ang nagsilbing special judge at naging panauhing pandangal naman ang Philippine Ambassador to Brunei na si Christopher B. Montero.

Ang bawat pagkaing kalahok sa food competiton ay hinatulan batay sa Appearance, Taste, at Execution.

“The recognition of Jollibee’s Chicken Joy as the best fried chicken in Brunei is a testament to Jollibee’s mainstream presence in the food culture of Brunei, as well as the global reach and influence of one of the Philippines’ top conglomerates. Local Bruneians, both the old and current generations, patronize its value meals in the same way that ordinary Filipinos do,” pahayag ni Ambassador Montero.

Imahe mula sa DFA

Ang Jollibee Brunei ay noong 1987 pa itinatag. Ito ang kauna-unahang overseas chain ng Jollibee Foods Corporation. Sa kasalukuyan ay may 18 branches ng Jollibee sa Brunei na nagse-serve ng halal-certified meals at may dalawa pang nakaplanong buksan.

Ang Jollibee Brunei ang unang nagkaroon ng drive-through store sa labas ng Pilipinas.

Imahe mula sa DFA

Loading…