Julia Barretto at amang si Dennis Padilla hindi sinasadyang nagkita

  • Muling nagkita ang mag-amang Dennis Padilla at Julia Barretto
  • Ibinahagi ito ni Dennis sa kaniyang Instagram account
  • Masayang-masaya siya dahil ngayon na lamang niya nasilayan ang anak

Ibinahagi ng actor-comedian na si Dennis Padilla ang hindi nila inaasahang pagkikita ng kaniyang anak na si Julia Barretto, na anak niya sa dating misis na si Marjorie Barretto.

Makikita sa Instagram post ni Dennis ang kaniyang larawan kasama ang 23 taong gulang na anak. Kitang-kita ang malaking ngiti ni Dennis habang ang anak naman na si Julia ay nakasandig sa kaniyang balikat.

Imahe mula sa Instagram account ni Dennis Padilla

“Biglang nagkita… Miss you anak!! Love [email protected]” saad ng caption nito noong Disyembre 6, 2020.

Ayon sa panayam ng Philippine Entertainment Portal o PEP, napaluha si Dennis Padilla nang magkita sila ng anak, dahil halos isang taon na raw silang hindi nagkikita.

Si Julia, na kamakailan lamang ay napabalitang umalis na sa poder ng Star Magic, ay talent na rin ng Viva Artists Agency kung saan kabilang ang beteranong komedyante.

Si Dennis ay isa sa mga bida ng Metro Manila Film Festival 2020 entry na “Pakboys: Takusa,” na iprinodyus ng Viva Films. Bida rin sa pelikula sina Janno Gibbs, Andrew E., at Jerald Napoles. Nagkataon na noong araw na iyon, habang kinukuhanan sila ng VTR para sa promo ng kanilang pelikula, nasa kabilang gusali naman sina Julia Barretto at ang co-star nitong si Marco Gumabao para sa workshop ng bago nilang pagbibidahang pelikula.

Nagpaalam naman daw siya na kung puwedeng mapuntahan ang kaniyang anak, lalo na’t nalaman niyang pag-aari din ang gusali ng Viva Agency. Kaya naman, sinamantala na ito ni Dennis upang makita ang kaniyang anak. Matapos mag-picture-picture, nag-request daw siya kay Julia na i-promote nito ang kanilang pelikula, na isa sa mga mapapalad na pelikulang napabilang sa MMFF 2020.

Public Domain Image

Masaya na raw si Dennis na nagkita sila ulit ni Julia, subalit ang iba niyang mga anak kay Marjorie ay hindi pa raw niya nakakasama ulit nang personal. Abala raw kasi si Leon sa online class samantalang si Claudia naman ay pinapadalhan ni Dennis ng mensahe sa pamamagitan ng social media account nito paminsan-minsan.

Loading…