Justice Leonen sinampahan ng impeachment complaint sa Mababang Kapulungan

Imahe mula sa Korte Suprema
  • Sinampahan ng reklamong impeachment sa Kamara si Associate Justice Marvic Leonen
  • Ang reklamo ay isinampa ng isang grupo na inasistihan ni Atty. Larry Gadon
  • Nilabag umano ni Leonen ang Saligang Batas base sa ilang alegasyon ng grupo

Sinampahan ng reklamong impeachment sa Kamara si Supreme Court Associate Justice Marvic ng isang grupo dahil umano sa paglabag sa Konstitusyon ng mahistrado.

Ang reklamo laban kay Leonen ay isinampa ni Edwin Cordevilla, secretary general ng Filipino League of Advocates For Good Government (FLAGG). Siya ay inasistihan ni Atty. Larry Gadon na sumipot din sa Kamara nitong Lunes.

Atty. Larry Gadon| Imahe mula sa Twitter

Ayon sa reklamo ni Cordevilla, isang ‘culpable violation of the Constitution’ ang kabiguan ni Leonen na maaksiyunan ang hindi bababa sa 37 pending na kasong hawak nito sa loob ng 24 buwan.

“Respondent’s track record of gross inefficiency as shown by the snail pace in which he resolves his cases casts doubts on his competency. No other sitting Justice has ever displayed the same inefficiency and incompetence,” ayon sa impeachement complaint.

Nilabag din umano ng mahistrado ang Saligang Batas dahil tila  “arbitrarily, willfully, intentionally, [and] deliberately” na ipinagpapaliban nito ang resolution sa mga kasong nakapending sa kaniya bilang chairperson ng House of Representatives Electoral Tribunal (HRET).

“By failing to act on the cases pending before him both in the Supreme Court and the HRET, respondent has clearly betrayed public trust. His incompetence and inefficiency, has caused the erosion of the public’s faith in our judicial system,” nasasaad sa reklamo.

Imahe mula sa PNA

Kabilang din sa impeachment complaint ni Cordevilla ang diumano’y kabiguan ni Leonen na mag-file ng kaniyang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) sa loob ng ilang taon noong nagtuturo pa siya sa University of the Philippines (UP).

Partikular na tinukoy sa reklamo ang mga taong 1989 hanggang 2003, at 2008 hanggang 2009, kung kailan wala raw SALN na ipinasa ang mahistrado.

Ang impeachment complaint ay inindorso sa Kamara ni Ilocos Norte Representative Angelo Marcos Barba. Si Barba ay pinsan ni dating Senador Bongbong Marcos na nagsampa ng electoral protest laban kay Vice President Leni Robredo at ngayon ay nakapending sa Korte Suprema na tumatayong Presidential Electoral Tribunal (PET).

Loading…