Ka Tunying desididong kasuhan ang tauhang ‘nagmadyik’ sa kanilang pera; pati bangko papanagutin din

Imahe mula sa Instagram/ Ka Tunying
  • Desidido na si Ka Tunying na kasuhan ang taong nagnakaw ng pera ng kaniyang negosyo
  • ‘Namadyik’ daw ng taong ito ang kanilang pera at naidiretso sa kaniyang bank account
  • Papanagutin niya rin ang bangko at ang mga kasabwat ng kawatan

Buo na ang pasya ni Anthony Taberna na magsampa ng kaso laban sa taong kaniyang pinagkatiwalaan sa negosyo subalit pinagnakawan pala ng pera ang kanilang kumpanya.

Sa isang mahabang Instagram post nitong Miyerkules, ibinahagi ni Ka Tunying ang halos sunod-sunod na pagsubok na pinagdaanan ng kanilang pamilya nitong taon.

Screenshot mula sa Instagram/ Ka Tunying

Una umano rito ay ang mabigat na karamdaman ng kaniyang babaeng anak na si Zoey, at sinundan ng pagsabog ng Bulkang Taal saka ng pandemya na kapwa ‘humampas nang husto’ sa Ka Tunying’s Café at sa mga empleyado nito.

Sinundan pa ito ng pagsara ng ABS-CBN kung saan siya dating nagtatrabaho bilang TV at radio host.

“Nakakatindig naman kahit paano dahil sumusuweldo pa ako noon sa ABSCBN pero nadale naman nang hindi maaprubahan ang franchise sa Kongreso. Pero okay pa rin,” kuwento ni Anthony.

Sa kabila nito ay nakararaos pa naman sila at nakangingiti pa rin kahit paano.

Screenshot mula sa Instagram/ Ka Tunying

“Pero di ko akalain na bago matapos ang 2020, may humahabol pa!” patuloy ng co-anchor ng ‘Dos por Dos sa DZRH’.

“Nadiskubre namin na ang taong aking pinagtiwalaan, ako pala ay matagal nang pinagnanakawan! Ang pera ng kumpanya, namadyik niya at naidirecho sa sarili niyang bank account,” kuwento ni Anthony.

Hindi umano maliit na halaga ang nanakaw ng kaniyang ‘trusted employee’ kung hindi milyong piso na mula sa paghihirap ng empleyado ng Ka Tunying’s.

BASAHIN: Ka Tunying pinagnakawan ng katiwala sa negosyo: “Sobrang sakit sa pakiramdam”

Ang masaklap pa raw dito ay ninakawan na pala sila habang ikinukuwento niya sa kaniyang tauhan ang kanilang pinagdadaanan sa gitna ng karamdaman ni Zoey.

“At ang lalong masakit at karima-rimarim, noon mismong ikinuwento ko sa kaniya ang hirap ng kalooban at bulsa dahil sa aming pinagdadaanan gawa ng natuklasang karamdaman ni Zoey, wala pa ring puknat ang pagnanakaw niya sa pera ng kumpanya,” ani Ka Tunying.

Screenshot mula sa Instagram/ Ka Tunying

Dahil dito, desidido na ang broadcast journalist na kasuhan ang taong ito at hindi siya papayag na hindi rin mananagot pati ang bangko at ang mga kasabwat ng kawatan.

Naniniwala rin si Anthony na malalampasan nila lahat ng hamong ito, na makababangon din ang kaniyang kumpanya at higit sa lahat ay gagaling din ang sakit na leukemia ni Zoey.

“Higit sa lahat, sasandal ang aming tiwala sa Panginoong Diyos at manghahawak sa pangako na hindi Niya tayo pababayaan,” pagtatapos ng kaniyang post.

Loading…