Kakasa ka ba? Pinoy chef nakahiwa ng 42 thin slices ng Spam

Image by Chad Anthony Mercado via Facebook
  • Pinoy chef na nagtatrabaho sa Amerika, nakagawa ng 42 thin paper slices ng Spam
  • Si Chad Anthony Mercado ay tubong Cebu City
  • Ginawa ni Chad ang challenge makaraang hamunin ng kaibigan at asawa

Nakamamangha at nakaka-proud ang kagalingan ng ating mga kababayan, halos lahat yata ng larangan ay mayroong Pilipino na nakikilala dahil sa taglay na husay. Katulad ng isang Pinoy chef na nag-trending sa social media makaraang matagumpay na makagawa ng 42 thin paper slices mula sa isang lata ng Spam.

Image by Chad Anthony Mercado via Facebook

Ibinahagi ni Chad Anthony Mercado sa Facebook na nagawa niya ito makaraang hamunin ng kaibigang si Cody Troy at asawang si Angel Brown Mercado. Batay sa kanyang FB profile, si Chad ay mula sa Cebu City pero nanunuluyan na ngayon sa San Francisco, California.

Ani Chad, “I was challenged by my good friend Cody Troy and my wife Angel Brown Mercado since I’m a pro-chef kuno, on this new #spamchallenge. I did 42 thin paper slices, with my Japanese Miyabi Nikiri. There’s a technique and trick to this. Secret?!?!”

Makaraang mag-trending ang post, sinubukang hulaan ng maraming netizens ang sikretong “technique and trick” na ginawa ng chef para magawa ang challenge.

May nagkomento na gumamit siya ng ruler at matalim na kutsilyo.

Sabi naman ng isa, “Partially freezing it before you slice.” Pero, tugon ng chef, “Freezing helps, but Spam itself is already dense packed meat. It’s more of a blade control/precision trick than freezing Spam.”

Image by Chad Anthony Mercado via Facebook

Anupa’t marami ang pumuri kay Chad. “Impressive,” “Clean Slices,” “Nice one” anang mga netizens. Itinag din ni Cody sa comment section ang mga groups na Japanese Hamono ?? & Food Around The World! at Filipino Cooking Group.

Marapat lamang ipagmalaki at ibahagi ang mga ganitong talento ng ating mga kababayan. Husay! Ikaw, ilang hiwa ng Spam ang kaya mo?

Image by Chad Anthony Mercado via Facebook
Source :

Facebook

Loading…