‘Kalma, marami pang Pasko’: Duterte ipinaalala sa mga inaanak na ‘wag munang manghingi ng regalo

Imahe mula sa PTV at Pixabay
  • Nagpaalala si Pang. Duterte sa mga inaanak na huwag munang manghingi ng pamasko sa kanilang mga ninong at ninang
  • Ani Pang. Duterte, baka makapag-uwi pa ng virus ang mga ninong at ninang dahil sa pagbili ng regalo
  • Dagdag niya pa, may oras para sa lahat at ang dapat na gawin ngayon ay sumunod sa panuntunan na pagsusuot ng face mask at face shield

“There is a time for everything.”

Ito ang naging mensahe ni Pang. Rodrigo Duterte sa mga Pilipino ngayong sasapit na ang Pasko at Bagong Taon at inaasahang tataas ang kaso ng COVID-19 dahil sa mga pagtitipon at pagdagsa ng mga tao sa pamilihan.

Imahe mula sa PTV

“Christmas time is about a few days from now. Sundin lang natin ‘yong culture but remember the word “but.” There are rules to be followed at this time,” aniya. “We have suffered enough and to suffer more is not acceptable anymore.”

Nagpaalala rin siya sa mga inaanak na huwag munang manghingi ng aguinaldo sa kanilang mga ninong at ninang dahil ang paglabas upang bumili ng regalo ay maaaring maging sanhi upang makapag-uwi sila ng COVID-19.

“Kalma muna, tutal marami pa namang Pasko. ‘Wag kayong maghingi sa mga ninong ninyo, ninang, kasi kawawa. Lalabas ‘yong ninang mo pati ninong, bibili riyan sa kung saan-saan, idamay mo lang. Maghingi ka, hopefully, in God’s own time, maybe next December,” paliwanag ng pangulo.

Imahe mula sa Pixabay

Ipinaalala niya rin ang kahalagahan ng pagsusuot ng face mask at face shield sa tuwing lalabas ng tahanan. “Remember the rules para walang mapasubo… There will be a time na makalalabas ka without any hindrance.”

Sa ngayon, ang tanging magagawa raw ng mga Pilipino ay ang pagsunod sa mga panuntunang ito at pagdarasal. “In the meantime, what we should do is to pray for our country,” sabi pa ni Pang. Duterte.

“[There is] time for happiness, time for enjoyment, birthday parties, wedding receptions, and time to just relax. Mahaba pa ang buhay.”

Source :

Facebook

Loading…