Kamara naglaan ng P50-M para sa COVID vaccine ng media, staff at pamilya

Imahe mula sa PYV News
  • Naglaan ng P50-M na pondo ang Kamara para sa kanilang vaccination program
  • Mauunang bakunahan ang staff, kanilang pamilya at ilang kasapi ng media
  • Mahuhuli na umano ang mga kongresista at ito ay kung mayroon pang matitirang bakuna

Upang hindi maapektuhan ang daloy ng operasyon sa Mababang Kapulungan, naglaan ng P50-M na pondo si Speaker Lord Allan Velasco para ipambili ng bakuna na ipamamahagi sa mga empleyado at miyembro ng kanilang pamilya.

Maliban dito, kabilang din sa unang mabibigyan ng libreng bakuna ang ilang kasapi ng media na nagko-cover sa Kamara, ayon kay Velasco.

Imahe mula sa Facebook ni Rep. Velasco

“We’ve decided that for the normalcy of business in Congress, we’ve decided to set aside a certain amount for the vaccines, for purchasing of vaccines for our employees times five. So five of their immediate family members will be included, mainly because we want the legislative mill to be grinding,” ani Velasco sa isang press briefing nitong Miyerkules.

“Siyempre po, naisip ko rin ang ating media friends who are also considered as our family. We will include our media friends to be part of the vaccines,” dagdag pa ng House leader.

Nilinaw rin ni Velasco na mauuna muna ang mga staff at media bago bakunahan ang mga mambabatas at kanilang sariling pamilya rin. Iyon umano ay kung mayroon pang matitirang libreng bakuna para sa kanila.

Imahe mula sa Facebook – HoR

“And kung may natira, then that’s the time we use them for the House members and also five of the immediate members of their family,” wika pa ng kongresista.

Posibleng ang COVID-19 vaccine mula sa AztraZeneca o Sinovac ang ipamamahagi sa vaccination program ng Lower House. Ang AztraSeneca at Sinovac ay dalawa sa vaccine na posibleng bilhin ng gobyerno, samantalang ikinukonsidera rin ang bakuna mula sa Pfizer.

Samantala, ang pondo naman para dito ay maaaring kunin na lang daw sa internal budget ng Mababang Kapulungan, ayon pa kay Velasco.

Loading…