Kampo ni Nadine Lustre may resbak sa Viva Artists Agency

Imahe mula sa Instagram account ni Nadine Lustre
  • Rumesbak ang kampo ni Nadine Lustre sa VAA na nagsampa ng demanda laban sa kanya dahil sa breach of contract
  • Ipinahayag ni Atty. Lorna Kapunan na handa silang patunayan na ang VAA ay “oppressive, predatory, abusive” hindi lang kay Nadine kundi maging sa iba pang talents nito
  • Sinabi ng manananggol na may karapatan si Nadine na ipawalang-bisa ang kontrata nito sa VAA

Ang desisyon ng Viva Entertainment founder at chairman na si Vic Del Rosario  na magsampa ng kaso laban sa aktres at singer na si Nadine Lustre ay nagpapakita lang daw kung gaano kalupit ang Viva Artists Agency (VAA) sa mga artistang mina-manage nito.

Imahe mula sa Paper Moon Cafe

Ganito, humigit-kumulang, ang naging pahayag ng abogado ni Nadine na si Atty. Lorna Kapunan.

Matatandaang noong December 11, 2020 ay nagsampa ng kaso ang VAA laban kay Nadine dahil umano sa breach of contract.

BASAHIN: Viva Artists Agency files lawsuit against Nadine Lustre

“The lawsuit was filed because, early this year, Nadine violated her valid and existing Agency and Management Agreement with VAA, by contracting independently with advertisers, promoters, and other third parties, in utter disregard of the exclusivity of her contract with VAA,” saad sa reklamo ng agency, na ang hiling ay itigil na ng aktres ang mga paglabag sa kontrata at pahalagahan ang kanyang VAA contract.

Mataas naman ang kumpiyansa ni Atty. Kapunan na lalabas ang katotohanan na ang VAA ay isang “oppressive, predatory” at “abusive” hindi lang kay Nadine kundi maging sa iba pang mga talents na nakakontrata dito.

Screenshot mula sa Showbiz Fanatics video

“We welcome the complaint and we are confident that the truth will come out about VAA being predatory, oppressive and abusive not only of Nadine but its many other talents,” statement ni Atty. Kapunan.

Ipinaalala ni Atty. Kapunan na may karapatan si Nadine na ipawalang-bisa ang kontrata lalo na kung hindi ginagawa ng Agency ang mga ipinangako nito sa ilalim ng kasunduan.

“The contract is an Agency contract and Nadine is the Principal- and it is the right of the Principal to terminate the Agent when it is not performing its commitments under the Agency Agreement,” ayon pa sa abogado.

Imahe mula sa Instagram account ni Nadine Lustre

Sa ngayon ay si Nadine mismo ang nagma-manage ng kanyang career simula nang kumalas siya sa VAA noong Enero ng taong kasalukuyan.

 

Loading…