Kapamilya News Anchor Bernadette Sembrano umawit sa ASAP Natin ‘To

  • Iba ang sorpresa ng news anchor na si Bernadette Sembrano-Aguinaldo
  • Umawit siya kasama si Ogie Alcasid sa ASAP Natin ‘To
  • May bagong komposisyon ang news anchor pagkatapos ng “Ang Sa Iyo Ay Akin”

Napamangha ang mga netizens nang marinig ang kilalang Kapamilya newscaster at isa sa mga news anchors ng TV Patrol na si Bernadette Sebrano-Aguinaldo, na umaawit sa award-winning at longest musical variety show ng ABS-CBN na “ASAP Natin ‘To” nitong Linggo, Disyembre 20, 2020.

Nakipagsabayan si Bernadette sa batikan at itinuturing na “King of OPM” na si Ogie Alcasid, sa saliw ng piano ng batikang composer na si Homer Flores. Inawit nila ang kaniyang pangalawang komposisyon na “Yakapin Ang Puso.” Ang kaniyang unang likhang-awitin naman ay ang theme song ng “Ang Sa Iyo Ay Akin” na inawit ng Aegis.

Image capture mula sa YouTube channel

Ayon kay Bernadette, ginawa raw niya ang naturang awitin para sa lahat ng mga taong nakasalamuha niya bilang journalist, at patuloy pa ring bumabangon sa kabila ng mga pagsubok na kanilang hinaharap sa buhay.

Ito rin ay tribute para sa mga Pilipinong nananalig at nagpapakita ng resiliency sa pagharap sa kalamidad, bago sumapit ang pagdiriwang ng Pasko.

Si Homer Flores ang nag-ayos ng tono nito habang si ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo ang nag-produs nito. Tinulungan daw siya ng batikang mang-aawit na si Jose Mari Chan.

Umani naman ito ng iba’t ibang positibong reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Wow ang ganda pala ng boses ni Bernadette nagulat kaya ako, hindi ko akalaing magaling pala siya kumanta at songwriter pa congrats my favorite newscaster!” pagbati ng isa.

Pahayag naman ng isa, “Wow Bernadette Sembrano! Galing kumanta, naku gagayahin din ng ibang estasyon ‘yan broadcaster-singer.”

“ABS CBN is really great,  it can be a venue to show and harness other hidden talents in you. Congratulations, Miss B!” saad naman ng isa.

Public Domain Image

Samantala, sa kaniyang Instagram post naman ay ipinahayag niya na iniaalay niya sa kaniyang mga magulang ang kaniyang mga kantang ginagawa. Nag-guest na rin siya morning talk show na “Magandang Buhay.”

“Papa, it’s ok. I will remember you whenever I sing.  I promised Papa in his final hours. I kept on singing with the choir until before quarantine. Today, I sang in the taping of Magandang Buhay . Last I guested In the show (2018 yata), Papa and my Kuyas made a surprise appearance…”

Samantala, panoorin ang naging performance ni Bernadette Sembrano-Aguinaldo sa ASAP Natin ‘To via YouTube channel:

Loading…