Karamihan ng honey products na mabibili sa bansa, sugar syrup lang ang laman

Imahe mula sa Medical News Today
  • Malaking porsyento ng nabibiling honey products sa mga pamilihan sa bansa ay peke at hindi puro
  • 82% ng pekeng honey brands na sinuri ng DOST ay naglalaman ng 95% sugar syrup
  • Naaapektuhan ang local industry ng honey dahil sa mapanlinlang na gawaing ganito dahil ang mga pekeng honey ay ibinebenta sa napakamurang halaga

Ibinunyag ng mga researchers mula sa Department of Science and Technology-Philippine Nuclear Research Institute (DOST-PNRI) na ang malaking porsyento ng mga honey products na mabibili sa mga groceries, souvenir shops at online platforms sa bansa ay hindi purong honey.

Imahe mula sa Pixabay

Natuklasan ito matapos ang nuclear-based tests na ginawa ng DOST-PNRI na nagpapakitang ang karamihan sa mga sinuring honey products ay naglalaman ng syrup mula sa sugar cane at mais. Dahil sa mapanlinlang na gawaing ito ng mga manufacturers ay napaparami nila ang volume ng kanilang produkto habang napapaliit ang production costs.

“62 out of the 76 (82%) of honey brands that were found to be adulterated were composed of 95% C4 sugar syrup. So, they are not actually adulterated but they are just completely purely sugar syrup,” sabi ni DOST-PNRI Director. Angel T. Bautista VII.

Ipinaliwanag ni Bautista na laganap ang pekeng honey sa mga pamilihan sa Pilipinas. Sabi niya, sa labing-anim na local brands na mabibili sa mga groceries o souvenir shops, labing-dalawa o 75% dito ang hindi purong honey.

Screenshot mula sa Net25 video

Bukod pa roon, tumataginting na 87% o 64 out of 74 local brands ng honey na ibinebenta sa mga online platforms ay hindi puro.

Ayon pa kay Bautista, kadalasang binibili ng mga tao ang pure honey dahil sa health benefits nito, subalit dahil sa pamemeke ay purong sugar syrup ang nabibili. Maaari umanong magdulot ng masamang epekto sa kalusugan ang pagkonsumo ng maraming sugar syrup.

Naaapektuhan ang local industry ng honey dahil sa mapanlinlang na gawaing ganito dahil ang mga pekeng honey ay ibinebenta sa napakamurang halaga – 1/3 lang ng presyo ng tunay na pure honey.

Imahe mula sa Pexels

Sinabi ng Philippine National Standard for Honey ng Bureau of Agriculture and Fisheries Standards na dapat ay walang halong food additives o iba pang substance ang honey na ibinebenta sa mga pamilihan. At kung mayroon mang halo, dapat daw na nakalagay ito sa label. Dapat ding nakasaad sa label kung saang lugar galing ang honey.

Source :

DOST, YouTube

Loading…