Kauna-unahang homegrown gravitational physicist ng Pilipinas may panawagan kontra pandemya

  • “The government should put scientists at the decision-making front lines when the problem such as a pandemic is scientific in nature”
  • Iyan ang pahayag ng kauna-unahang homegrown gravitational physicist ng Pilipinas na si Dr. Reginald Christian Bernardo
  • Siya ay nagtapos ng kaniyang bachelor’s, master’s at doctorate degree sa Physics sa College of Science ng UP Diliman

Nanawagan sa pamahalaan ang kauna-unahang homegrown gravitational physicist ng Pilipinas na si Dr. Reginald Christian Bernardo na gawing “frontliners” ang mga Filipino scientists sa pagresolba ng suliranin hinggil sa COVID-19.

“The government should put scientists at the decision-making front lines when the problem such as a pandemic is scientific in nature. Otherwise, the next pandemic is always just one bad decision away,” tugon ni Bernardo sa panayam sa kaniya ng Inquirer, na makikita sa Technology section nito.

Public Domain Image

Para kay Bernardo, kinakailangan pang suportahan ng pamahalaan ang mga siyentipikong Pilipino, lalo na sa mga ganitong krisis na kinahaharap ng bansa at maging ng buong daigdig. Mababa raw ang bilang mga siyentipiko sa bawat rehiyon. Kinakailangan daw na mas maraming mai-produce na mga siyentipiko lalo na sa panahon ngayong mas pinaniniwalaan ng nakararami ang anomang “conspiracy theories” na sinasabi ng mga taong sikat sa internet.

“We are at a time when the Filipino will almost always listen to anyone with a large number of followers shouting nonsense and conspiracy theories on the internet and disregard the expert who spent more than 10 years of his life on building a respectable scientific career,” aniya.

Dagdag pa niya, “We need more scientists to become figures the Filipino can look up to for genuine supervision.”

Masasabing record-breaking holder ang 29 na taong gulang na ating kauna-unahang gravitational physicist, na hindi kinailangan pang magtungo sa ibang bansa upang magpakadalubhasa sa Physics. Natapos niya ang Bachelor’s Degree in Physics bilang “Magna cum Laude” noong 2015, pagkatapos ay tinapos ang masterado nito noong 2017 na may parangal na “Most Outstanding M.S. Student.”

Nitong 2020 ay nakamit at natapos niya ang Ph.D. in Physics bilang “Most Outstanding Ph.D. Student.” Lahat ng ito ay natapos niya sa College of Science ng University of the Philippines Diliman.

Public Domain Image

Sinang-ayunan ng National Institute of Physics ang kaniyang disertasyon hinggil sa “Alternative Theories of Gravity” na huling academic requirement para sa kaniyang doktorado.

UP student to become Philippines’ first ever gravitational physicist

Source :

Good News, Inquirer, Virtual Pinoy

Loading…